*** "Okay, fall in line! Everyone! Make sure na wala kayong nakalimutan ha," paulit-ulit na paalala ni Mr. Lopez na nasa bintana ng bus na sasakyan ng mga estudyante pabalik sa syudad. Ito na ang huling sandali nila sa maliit na barangay at sa villa. Habang abala ang lahat sa paghila at pabitbit ng kanila mga bagahe ay nasa malayo naman ang tingin ni Hora. Kitang-kita kasi mula sa kanilang pila ang kumpol ng mga alphos at marseditas na nag tipon-tipon para magpaalam sa diyosa. Siyempre kasama rin nila si Diwalli Margarita na ngayon ay maayos na ang kalagayan. Maaliwalas na ang kanyang itsura, bumalik na ang kanyang dating ningning at nawala na rin ang pagkabayulente ng kanyang mga alagad na marseditas. Hindi maaaring kumaway si Hora sa kanila dahil baka may makapansin nito kaya hindi n

