*** Matapos ang selebrasyon ng kasal nina Ysabelle at Henry ay nanatili muna sila Hora sa probinsya ng ilan pang mga araw. 'Di gaya ng bahay sa syudad ay puno ng tao at maingay ang mansyon ng mga Estrella. Halos kumpleto kasi ang mga magpipinsan mula sa tatlong kapatid ng kanila ina, as well as their second cousins. Hindi pa kasali dyan ang mga kasambahay at trabahador nila sa bukirin. Sa susunod na araw pa kasi uuwi ang mga ito, sinusulit ang apat na araw na bakasyon. Katatapos lang nilang mag-meryenda ngunit nasa sala ang lahat para tikman ang bagong produktong suman na dala ng tiya nila Ysabelle na galing Leyte. Hora was not interested to foreign food. She was about to slip away to her room when Nanay Puring offered her the food. "Oh! Ma'am Hora, dapat tikman mo yung suman! Masarap p

