*** Pagod at gutom na ang lahat dahil sa haba ng kanilang biyahe. Alas siyete na ng gabi nang nakarating sa destinasyon sina Hora. Villa Josefina The signage reads. The name of the place weirdly did not fit the designs of their buildings. Maraming puno sa tabi at mga bahay na gawa sa nipa, malayong-malayo sa modernong pangalan ng lugar, maliban na lang sa pinturado ito ng maroon na varnish at may modernong disenyo ng bulaklak na nakaukit sa mga poste ng kubo. Tag-iisa rin ng balkonahe ang mga kubo, may upuang kahoy sa labas, at iba't ibang kulay ng banderitas sa magkabilang gilid nito na nakakonekta sa katabing mga kubo. Perpektopara sa mga gusto matulog ng ilang araw sa lugar. Malinis ang buong paligid at aakalain na walang villa na nakatukod dito dahil sa tahimik ng lugar. Ngunit nan

