*** Mga alphos. Just like other forests, alphos are also lurking in this forest's corners. At gaya ng mga alphos sa probinsya nila Yvan ay mainit din ang pagtanggap ng nga alphos dito kay Hora. Abot langit ang ngiti ng mga ito at tila mga masugid na tagahanga kung kumaway at magpapansin sa diyosa. Hangga't maaari ay iniiwasan ni Hora na tumingin sa kanila para hindi magtaka ang mga kasama. Ngunit tawag pansin sa kanya ang mga nilalang na ngayon niya lang ulit nakita. Ang mga marseditas. Mga nilalang na may maliliit na paa ngunit mahahabang kamay, matalas ang mga kuko, bilogan na pulang mga mata at mahahabang nguso. Tulad ng mga alphos bantay din sila ng gubat na ito, maliban sa sila ay direktang nag-aalaga ng mga kalupaan at mga alaga ng diwalli ng gubat. Kung ang mga alphos ay nakatira

