*** "Ba't ang hiliiig niyong magshinungaling? Alam niyo ba na mashama 'yan? Ano ba ang mukukuha niyo sha pagshishiiinungaling? Nagshishinungaling kayo sha halosh lahat ng bagay! Tungkol sha gushto niyo, sha ayaw niyo, sha sharili niyooo, sha ibang tao. Ang hiliiig niyong magshinungaling! 'Di ko na ikinagulat ang reeaakshyon nila! Nakita mo itshura nila? Nakakatawa!" Walang preno na dada ni Diyosa Hora habang nasa daan sila pauwi. Sa waks ay akalabas na siya sa silid na puno ng mga mortal na hindi pamilyar sa kanya. Kahit na lasing na lasing siya at nanlalabo ang paningin hindi pa rin niya nakakalimutan na itikom ang bibig sa harap ng ibang tao. Isa pa hindi siya basta-basta na nagtitiwala sa kanila kahit na na kainuman pa niya ang mga ito sa iisang mesa. Sa ibang salita ay walang dapat n

