*** Mga taong nagsasayaw sa tugtog na Breaking Bad ni Diffus. Mga babaeng naggagandahan ang hubog ng katawan, at mga lalaking nababaliw sa katititig sa kanila. Sabay-sabay silang umiindak sa magulong tugtog at kanya-kanyang dikit sa katawan nila sa kanilang mga kasayaw. May ibang babae na halos lasing na at panay ang pahid sa mga sarili sa mga kasayaw nila, ma pa babae o lalaki man ito. Habang ang ibang lalaki naman ay kung saan-saan na dumadapo ang mga kamay, may sa braso, sa baywang, sa hita, at may ibang kamay na naliligaw na sa dibdib. Depende na lang sa kung saan gustong kumapit ng malalaki at malalakas nilang mga kamay. Sa gitna ng mga taong nagkakasiyahan sa nakasisilaw at nakakahilong dance floor ay si Yvan at Crystal. Kagaya din ng halos lahat ay panay din ang dikit ni Crystal k

