*** "Ang bata pa ng mga anak niya, biyuda pa naman siya. Nasa elementary pa ba bunso niya?" tanong ng babaeng tila dinilaan ng kambing ang buhok sa tuwid nito. "You mean Yvan? Yeah, he's a classmate of my youngest," sagot naman ng isa na tila ba napuno na ng singsing ang sampung daliri niya sa kamay. "How about the sister? Is she in college now?" dagdag na tanong ng isa pang babae na akalain mo ay sinampal ng mahigit sampung beses sa pula ng pulbos sa mukha. "Oo pero baka 'di na rin yan makapagtapos, she has to take care of Yvan, diba?" sagot ulit ng babaeng may koleksyon ng singsing sa daliri. Ito ang mga sabi-sabi na naririnig ni Ysabelle sa burol ng kanyang ina. Sa edad na 21 ay nagsisimula pa lang na maabot ni Ysabelle ang kanyang mga pangarap. Kapapasok niya pa lang sa Fashion an

