*** Hapon na nang nagising si Hora, mas mahaba kasi ang tulog niya sa mga nakaraang araw simula nung nangyari ang insidente. Palagay niya ay ito ang paraan ng kanyang katawan para ibalik ang mga nawalang lakas. Naisip niya na mabuti na lang ay hindi ito tuluyang naubos, dahil kung nagkataon ay baka lantang gulay siya ngayon sa kanyang pag-gising. Good thing she was able to store a three-month worth of kraftaz. It might sound small to a goddess pero para sa katawan ng isang mortal ay katumbas na nito ang halos isang taon na walang tigil na pag-ehersisyo. Dumiresto sa kusina si Hora para tingnan kung may nakahain na pagkain sa lamesa. Kahit kasi sobra ang kanyang naging tulog ay naghahanap pa rin ng laman ang tiyan niya, ang bagay na hindi niya naintindihan ng maayos. “Bakit gutom pa rin

