Kevin's POV
*Monday-Intramurals day*
Kakarating lang namin ni Thaila sa P.A (Park Academy) pero puno na ng sigawan sa gym. Mukhang may nagaganap na kasiyahan ngayon doon. Kaya agad kaming bumaba, napansin ko agad ang walang ka tao taong hallway. Mukhang nandon ang lahat. Hindi na kami nag atubili ni Thaila na pumunta doon at makipag saya. Agad kami dumiretso sa Garden at tamang tama wala din tao kaya makaka pag solo kami ~_-.
(Tsk kanina pa naman kayo naka pag solo ah)
Ano ba paki mo author..... mag sulat ka nalang kaya.
(Oo na! Sabi mo eh)
Umupo kami sa isang upoan doon, na may table sa gitna. Tinignan ko si Thaila na ngayon ay nakatingin sa malayo at tinitignan ang ganda ng garden. Maputi, pointed nose, pinkish chicks, beautiful eyes and perfect skin. Matalino at sporty. Ano pa ba ang kulang sa kanya? Mayaman rin!...... Hindi ko namalayan napangiti na pala ako sa iniisip ko. How lucky I am.
"Oh bakit ka nakatitig jan? Baka matunaw ako hahahah"-Thaila. Bigla akong nabalik sa realidad..-////- nakakahiya at nakita nya patalaga akong nakatitig sa kanya. Kaya ang ginawa ko, nginitian sya at unti unting lumapit sa kanya 1inch nalang at mahahalikan ko na sya at unti unti pumikit ang mga mata nya at imbis sa mapupula nyang labi ako dumeretso....
"I Love You..... Thaila" Bulong ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagka-bato nya sa kanyang inuupuan
***
Thaila's POV
"Bakit wala kayo kanina ni Kevin, Mae? Sayang naman at hindi kayo nakasali sa kasiyahan kanina"-Alex
"Wala lang. Alam nyo naman na hindi ko hilig yan diba? I mean kaming dalawa pala"
After 10 minutes nagsimula na ang laro ng ibat bang school. Ang first day ang school ng Gold Eggle ang makakalaban namin. Lahat ng varsity of girls sa kabilang court ng school. Ang boys naman sa isa. Dalawa kasi ang court dito. Sa laki ba naman ng school namin makakasya talaga ang dalawang basketball court.
"Hello and Good morning all students!!.... who do you think will be champion for this year? Ang Gold Eagle ba?...." at lahat ng mga student ng Gold Eagle ay nag sigawan. Naka jersey na kulay gold sila ".... o Liford Academy?" At lahat ng naka green ng jersey ang sumigaw at nag bigay ng kaninilang yell "...... o ba ka naman ang Leo Academy?!" At lahat ng naka sky blue ay nagsigawan "... o ba ka naman ang Park Academy!!!!" Sumigaw at nag bigay sila ng yell.".... so lets the game begins!"
.
.
.
.
.
.
Nagsimula ang laban. Ang unang kalaban ng P.A ay ang G.E (Gold Eagle) last last year na laban namin ng G.E ay nahirapan kami. Magagaling naman sila pero mas lamang lang kami sa depensa.
Sana manalo kami!
***
Third Person's POV
Maganda ang takbo ng laban ng dalawang kampo. Ngunit lamang parin ang Park Academy.
"DEFENSE! DEFENSE!!" Sigaw ng E.G. kaya agad nag time out muna ang E.G.
"Ok. Guys kahit sa P.A ang lamang ngayong sevond quarter, babawi tayo. Depensa lang ang lamang nila at marami silanf shooter. Kaya tapatan natin sila.... ikaw Xy kay number 6. Dahil mukhang sya ang pinakamagaling sa kanila"
Sa kabilang banda....
"Keep it up guys. At lalo nyo pang galingan. At Mae ipatuloy mo lang yan ."
***
Maayos ang takbo ng laro ng Basketball girls and boys ganon din sa volleyball game pero kabaliktaran naman sa soccer game.
"Guys! Ano ba ang nangyayare sa inyo?! Ilang oras na lang! Matatalo na tayo!?"- coach.
"Sorry coach.... ang harap po talaga maka score kasi mukhang pinag handaan talaga nila coach."
"Expected na natin dapat yun.! Kaya nga tayo nag pra-practice diba!? Pero teka nga lang nasan na ba si Kevin?! Ngayon na natin sya kailangan!"
"Ah.... coach...hmmm kasi-"
"ANO?!"
"Kasi coach.... sabi nya saamin wag daw sya iistorbohin kasi matutulog po daw sya" mahinahon at nakayukong sambit ng isang teammate ni Kevin.
"ANO?! Aba't!---- aish! Yun batang yun talaga!"
Dahil sa inis agad kinuha ni coach Ryle ang kanyang telephono at tinawagan si Kevin.
Ringgggggg
[Ano nanaman ba? Sabi----]
"Kevin! Saan kana ba ha!? Ngayon ka na kailangan ng team at talagang may gana ka pang matulog sa araw ng game?! "
[Ikaw pala coach.... k I'm going there]
"Go--"
*Tooot* *tooot*
'Aba't binabaan ako? Nako ang batang yun talaga'
Ilang segundo ay dumating na si kevin sout ang malamig nyang expression. Wala syang pakialam sa iba ang gusto nya lang ay matapos na ang laro ng makatulog na sya dahil mukhang hindi maganda ang pakiramdam nya. Walang sabi sabi at agad sya pumunta sa field at nag laro. Lahat ay natuwa dahil sa wakas lumabas na si Kevin John Sue pero hindi sya. Hanggang natapos ang laro na ang akalang hindi mananalong Park Academy ay nawagi dahil kay Kevin John Sue.
"Whooooo!!!!! Park! Park!"
"PARK!!PARK!!" Sigawan ng lahat.
"We love you KEVIN!!!Whooo!!" Sigawan ng iilang babae.
.
.
.
"Good job guys. And also to you Kevin" sabay pat sa kanya ng coach nya sa kanyang balikat. Tumango lamang sya bilang tugon.
"So... can I sleep now?" Walang gana nyang tanong.
"Ha... ah... sure!"
Agad tumungo si Kevin sa Garden kung saan ang paborito nyang tulogan. At isang gwapo at kakaibang lalaki ay ngayo'y ay natutulog ng mahimbing
***
Thaila's POV
Pag dating namin sa clinic agad ko sya pinahiga at pinainom ng gamot dahil wala namang nurse dito sa clinic kaya ako na ang umisikaso sa kanya. Sinabihan ko rin syang mag pahinga na. Sa pag tulog nya hindi na ako umalis at binantayan sya. Bigla naman tumunog ang telepono ko kaya agad ko ito sinagot.
[Mae! Saan na kayo !? Nagugutom na kami] tsk si Stella lang pala eh. Pero ano raw? Gutom na sila? Bakit? Dala ko ba ang pagkain nila? Tsk!
"And so? Paki ko ba? Hindi ko naman dala ang pagkain nyo" I said with irritating voice.
[Mae naman eh! Syempre hinihintay namin kayo para sabay sabay na tayong kumain!]
"Hindi na muna kami sasabay. may sakit ngayo si Kevin kaya nandito kami ngayon sa clinic. Dalhan nyo nalang kami ng pagkain "
[Ow ok. Sege bye]
*tooot**tooot
Hay. Hindi ko namalayan ang oras na lunch na pala. Medyo nagugutom na rin ako.
"Thaila.." bigla akong na pa tingin kung saan naka higa si Kevin.
"Kevin, sorry nagising ba kita?"
"No... it's ok, sege na kumain ka muna doon, I'll be fine"
"I'm fine Kev. Dont worry about me. Pupunta din naman sina Stella dito at pinabili ko na rin sya ng pagkain para sa ating dalawa"
Tumango lamang sya at pinikit muli ang mga mata nya. Hindi ko na pigilan ang sarili kong ngumiti dahil sa iniisip ko. ' Kahit may sakit ka ang gwapo mo parin'
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na rin ang mga kaibigan namin dala ang pagkain na pinabili ko.
"Here. Oh kamusta na si Kevin" pag aabot ng pagkain ni Stella. Kasama nya rin ang iba.
"Ok nanaman sya. Kailangan nya lang magpahinga"
"Ok.... aalis na muna kami Mae, pinapatawag tayo ng principal pero sasabihin ko nalang na nag kasakit si kevin kaya hindi kayo makaka punta"
"Ok" umalis din agad sila Stella para pumunta sa principal office at ako naman, ginising ko na si Kevin para kumain. Ilang oras ang lumipas natapos na ang first day ng Intramurals. At bukas ang kung sino ang mananalo sa pagitan ng Lifford Academy at Leo Academy at kung sino man ang mananalo sa kanila ay sila ang makakalaban namin sa finals.
.
.
Ilang araw ang lumipas at nanalo ang Lifford Academy. Ang School na kung saan nag aaral ang mga estudyanteng magaling sa Sports. Kaya Alam ko mahihirapan kami pagdating sa Lifford. Lahat ay naghiyawan sa Court at ngayon ang maglalaro ang Lifford VS Park's bawat laro ay mariming taga-supporta ang bawat mga kalahok. Pero bago ko makalimutan this past few days may mga weird na nangyayare Kay Kevin. May tinatanong sya sa mga bagay bagay na minsan kinakahan ako dahil halos tungkol sa mga gangsters ang lagi nyang tinatanong. Kung 'do you think, may mga gangsters sa school natin?' at minsan 'what if may secret ako na hindi sinasabi sayo magagalit ka ba?' at kung ano ano pa, kaya minsan tinatanong ko minsan ang sarili ko kung Alam nya na ba tungkol sa pagiging Gangster ko.... gulong gulong na ako kaya kinakabahan ako ngayon lalo na at Lifford Academy na ang makakalaban namin Alam ko mag kakaroon ng personalan ang laro kong to... lalo na at sa Lifford Academy nag aaral ang patay na patay Kay Kevin.
"Hi Thaila! Long time no see*smirk*" and speaking of the Devil b***h.
"Do I know you?" Pag maang maangan ko. Dahil ang totoo kilala ko sya, kilalang kilala.
"Oh my gosh. I forgot nagkaroon ka pala ng amnesia... oh sorry but BTW mag papakilala na lang ako sayo. I'm ...... Liza Alfonso part of your beloved past."
Tsk. Yeah. Liza Alfonso is also the captain ng girl Basketball nila kaya Alam nyo na kung bakit medyo personal ang laro ko ngayon. Pero sempre naghanda talaga ako sa laro namin ngayon.
***
Third Person's POV
Nag Simula ang laban na ramdam ng lahat ng manonood at mga myembro ng bawat team ang Hindi ng laban lalong lalo na Kay no. 6 at no. 12. Agawan ng bola at pag sho shoot sila ang mag kalaban. Ramdam na ramdam ng lahat ang tension na namamagitan sa dalawa.
' I'll make sure I'm the one who win this time . Kahit ikamatay ko pa' -Liza
' I never let you to win this time,, untill next time. Never. ' -Thaila.
First quarter lamang na lamang ang Lifford Academy hanggang Second Quarter. Sa Third Quarter naman medyo bumabawe ang Park pero hindi ito sapat para lamangan ang score ng Lifford. Hanggang natapos ang Third Quarter 86/90 ang score.
Ramadam ng bawat groupo ang pagod dahil sa tindi ng laro. Ramdam din ni Mae ang pagod pero ayaw nya magpatalo lalong lalo na Kay Liza. Matapos ang break oras nanaman para maglaro. Bigla naganahan si Thaila ng bigla sya nakakuha ng text mula kay Kevin. At sinabing
From:Kev kev
Hi sweety. I want to tell you that we win the game and I hope you to.... but I love you baby. See you later. I will fetch you there so wait for me.
Sa sobrang sweet nito mag text sa kanya Hindi nya napapansin napapangiti na sya sa sobrang kilig kaya napaisip sya kahit hindi man sila mananalo sa laro. Matagal na syang nanalo lalo na at na sakanya si Kevin. Pero gusto nya parin manalo para kay Kevin.
.
.
.
At ang nananalo walang iba kundi ang PARK ACADEMY!!!
(alam ko gusto nyo pa ng details about sa game pero sorry sumasakit na ang kamay ni Author kaka-type)
Napangisi nalang si Mae sa naging resulta. 128/126 halos 3 point ang tinitira nya kaya masaya sya kahit ang kunti ng lamang nila. Pero still sila parin ang nananalo, sya parin ang nananalo *smirk* .
***