Stella's POV
"Nice Game!" Sambit ko habang nakikipag shake hands sa mga ka team ko. Nandito ako sa Volleyball Court at nag pra-practice para sa Intrams.
"Captain!"- sigaw ng isa kong ka teammate.
"Bakit?"
"May naghahanap sayo"- sabi nito habang kinikilig. Eh?
"Sino?"
"Si Xavier Jhon Villanue
Tip toe
.
.
Tip toe
.
.
Tip to--
"BOOo!!"
"Ay Gwapo!!" Nakakagulat naman to isang to. Bigla bigla na lang humarap at ginulat ako. Tsk ako nga dapat ang gugulat sa kanya pero parang umiba ang ikot ng mundo at ako ang nagulat nya. Nako!! Talaga.
"HAHAHAHAHAH!! Ang EPIC !! Hahahaah" tawa lang sya ng tawa. Halos mangiyak ngiyak na nga sya kakatawa eh.
"Hahaahha...ho"-
"Oh tapos ka na ? "
"Hahaha medyo hahahaha" mas tumawa pa ito ng tumawa. Tsk para na syang tanga at NAKAKA-INIS NA!
*bogsh!*
"Aray! Bakit ka nangbabatok!?"- inis nyang tanong habang hinihimas ang ulo nya. Hahahah
"Kailangan mo na kasi ng batok eh.... nag mumukha ka ng tanga "- sabi ko habang naka ngiti ng nakakaloko. Ngumiti rin ito ng nskakaloko.
"Sayo lang naman ako nagiging tanga eh*wink*" napatulala ako sa sinabi nya. Ano daw? Naramdaman ko naman ang pag-init bigla ng mukha ko. Oo na kinikilig na ako.
"Oyyyyy nag bu-blush sya!" Panunukso nya saakin.
"Tumugil ka na nga..... at teka asan na sila?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa Cafeteria na. Sabi nila daanan kita at sabay na tayong pumunta don."- Xavier
"Ahhh. Sege CR na muna ako at mag bibihis pa ako. Sandali lang to"- ako. Tumango lang sya kaya pumunta na ako sa CR para maka pagbihis.
Pagkatapos ko magbihis ay agad na kami umalis. Nadatnan naman namin sila na tumatawa. Well except sa dalawang cold-hearted and always poker face (-_-) alam nyo naman seguro diba.
"HAHAHAAHA ANG DAMI NGA NAG LIKE EH AT SAKA ANG GAGANDA NG COMMENT HAHAHAHA."- Alex
"HAHAHA OO NGA EH AT ISA NA AKO DON. BINASA KO NGA ANG IILANG COMMENTS HAHAHA ANG CUTE MO RAW. HAHAHAHA "-Alvin
"Cute ka na man pala don Nat. Kaya wag ka ng mahiya"- Sebastian. Kaya ayon pulang pula ng mukha ni Nat. Kaya mas lalo silang natawa.
"HHAHAHAAH"
Mukhang pinagtutulongan nila si Nat na ngayoy ay naka busangot ang mukha habang ang pula parin ng mukha. Hahaha di ko sya masisisi. Kung ako rin naman din sa posisyon nya ma iinis din ako at mahihiya. Napatingin ako sa dalawang seryuso lang kumakain. Sa katunayan nga patapos na sila.
"Hey guys!"- agaw ko ng attention nila. Kaya na pa tingin sila sa dereksyon namin.
"Nandyan na pala kayo. Umupo na kayo at kumain. At nga pala nag order na rin kami para sa inyo"- naka ngiting sambit ni Alex. Kaya umopo na kami at nag simula ng kumain.
"Anong pinag-tatawanan nyo kanina?"- Xavier.
"Hahahaha yun ba. Si Nat lang yun. Yung pic nya kasi--"- naputol ang sasabihin ni Alex ng biglang nag salita si Natasha.
"Nga pala Stella.... kamusta na ang practice nyo?" Tanong nya. Napa ngisi naman ako.
"Ok lang..... ikaw Musta naman ang Picture mo? Trend na ba?" Kaya ayun tawa sila ng tawa.
"HAHAHAHAAHAH"
"Tsk pina-alala mo pa talaga"
Napatigil kami kaka tawa ng biglang tumayo si Kevin. Kaya na patingin kamin sa kanya.
"Ang iingay nyo.....Mae"Sambit ni Kevin at tumingin kay Mae. Pero kalma lang boses nito
"Ano?"
"Gusto mong sumama? "
"Saan?"
"Sa lugar kung saan walang maiingay... ano sama ka?"
"Sege" bakit ang kalmado ata ng mga boses ng mga to? At hindi kami nilamig sa mga boses nila.
Tumayo na rin si Mae. Kaya na unang nag lakad si Kevin kaya sumunod si Mae. Bago pa sila maka alis.
"Sama ako!!" Sigaw ni Nat. Kaya na palingon sila.
"Wag na. Magiingay ka lang"- Mae.
"Hindi ako mag ii---"
"Wag na. At isa pa wag mo tatakasan yang pa nunukso nila sayo."- Mae. At tumalikod na sila at sabay na naglakad pa labas ng Caf. Lahat nga ng mga student napapatingin sa kanila. At may naririnig rin kaming iilang bulonga.
My gosh! Official na ba sila?
Di ko alam girl pero.... bagay pala sila noh?
Oo nga eh sayang. Si Prince Kevin pa sana ang pinaka type ko sa kanilang apat.
Pero hindi pa naman sure eh. May chance pa rin tayo!!!
Nako pare mukhang naunahan kana ng Kevin na yun ah!
Tsk magpakasaya muna sya. Dahil kukunin ko uli si Princess Mae.
Ewan ko pare pero Good luck na lang.
Tsk ano yun? Pero Oo nga noh. Bagay nga naman pala si Kevin at Mae. Pero.... nakaka gulat naman ang pag sasama nitong dalawa. Ano kayang nangyare don. At hindi lang pala ang pag-uusap ang ikakagulat namin. May kwenento ang mga boys na as in over duper gulat kami.
***
Kevin's POV
Magkasama kaming nag lalakad papuntang Garden ni Mae. Napakaingay kasi ng mga yun kaya niyaya ko nalang sya. Ewan ko rin kung anong pumasok sa kukuti ko at niyaya sya. Wala naman segurong mali dun diba? At isa pa kaibigan ko na rin sila.
"Bakit mo nga pala ako niyaya?"- tanong nya bigla. Mukhang kahit sya nagulat rin.
"Ewan ko rin. Dahil seguro magkatulad lang tayong gusto ng katahimkan?"- sagot ko.
Pagdating namin sa Garden ng School agad kaming tumungo sa isang puno roon at umupo sa ilalim nito. Ang presko ng hangin at ang tahimik. Ito ang ibig sabihin ng katahimikan.
"This is what I want.... silence"- kalamadong sambit ni Mae habang naka pikit ito.
"Yeah"
Ilang saglit ng katahimikan ang namayani saamin. Isang comfortable silence. Napapapikit na rin ako at pinahinga ang likod ko sa puno.
"Kevin.." -pagbabasag ng katahimikan ni Mae.
"Yes?"
"Paano mo ba naging kaibigan sina Xavier?"- tanong nya bigla. Ano naman nakain nito at bigla nagtanong tungkol saamin?
"Bakit mo naman na tanong?"
"Nothing. I just wanted to know"
"Well. We been friends since birth"- I said.
"How?". Magku-kwento ba talaga ako? Ok fine.
"I was 6 years old when I ment Xavier at the park. We being friends dahil kinukulit nya akong maging magkaibigan kami. Kaya pumayag nalang ako na maging kaibigan ko sya. We been being friends until one day may pinakilala sya saakin. I was 7 years old that time. At yun ay sina Alvin at Sebastian. And that's how are friendship started." - Honestly this is my first time to telling a story about me. Napatingin naman ako sakanya. Hindi na ito naka pikit at nakatingin lang sa Ganda ng Garden." How about you? Paano mo rin sila naging kaibigan?" I ask.
"Naging kaibigan ko sila. When I was 11 years old. Transferee ako non ng makilala sila. Si Stella sya yung parang prinsessa sa klase namin noon habang si Alex naman one of the boys minsan at si Nat naman sya ang maraming kaibigan sa klase namin. Palagi akong magisa sa upuan ko at palaging natutulog. Until one day. Kinaibigan ako ni Natasha. Pero hindi ko sya pinansin. Hanggang gaya sayo. Kinulit nya rin ako ng kinulit hanggan pumayag na ako na maging kaibigan sya. At hanggang pinakilala nya saakin sina Stella na kaibigan nya rin at yun hanggang nag Highschool kami. At naging mag bestfriend na talaga kami."- Mae. Bigla naman ako napatango.
"Mabuti at nakakatagal ka sa ingay nila"
"Nasanay lang seguro. Nagtataka nga rin ako kung bakit nagtagal ako sa kanila ng ilang taon" pailing iling lamang sya habang sinasabi iyon. Habang may matipid na ngiti sa kanyang labi.
"Same." Napangiti rin ako. Di ko alam na mag-uusap kami ng ganito.
"Pero alam mo kung ano ang mas nakakagulat?" Habang may ngiti sa labi nya. Mas lalo syang gumaganda kung ngumiti.
"Ano yun?"
"Ang mag usap tayo na. Hindi tayo nilamig sa mga boses natin..... Walang halong kalamigan"- nagkatinginan naman kami.
"HAHAHAHAHA" bigla kaming natawa sa nangyayare saamin. Komportable ako sa kanya. Di ko alam pero magaan ang loob ko sa kanya. Parang katulad ng naramdaman ko kay lala.
"Di ko alam na may side ka rin palang ganyan" natatawa kong sambit.
"Kahit ako nagulat din. At Ikaw rin naman ah! Nakakagulat din ang side mong yan hahahah"
"Kahit ako din nagulat."
Na miss ko tuloy sya. Saan ka na ba talaga? Miss na miss na kita....
Lala.