Chapter 12 Mataas na ang araw nang magising ako. Napakunot-noo ako habang kinukusot ang mga mata ko at saka tumingin sa orasan sa dingding. Lagpas alas-diyes na ng umaga. Agad akong napabangon pero napatigil din nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkakapulupot ng mga braso ni Azrael sa baywang ko. Nilingon ko siya mula sa pagkakahiga ko. Mahimbing pa rin ang tulog niya habang yakap ako mula sa likuran. Mukhang pagod din siya kagaya ko. Halos hindi na nga niya ako tinigilan kagabi. Umabot pa kami hanggang pasado alas-kuwatro ng madaling araw. Ni hindi ko na nga rin mabilang kung ilang ulit kaming nagtalik kagabi. Dahan-dahan akong kumawala sa bisig niya. Ayokong magising siya. Nang tuluyan akong makawala, bumangon agad ako. Tinanggal ko 'yong kumot na nakabalot sa katawan ko at nagulat

