Chapter 26 Laking pasasalamat ko dahil hindi na ako nakabalik sa paglilinis. Ipinalinis na ni Lucius sa kasambahay. Pagpasok ko sa kwarto, halos di na ako makatayo sa sobrang pagod. Gusto ko na lang mahiga at mapahinga. Pero pag-angat ng mata ko, nakita ko si Azrael at nang bumaba ang tingin ko sa kamay niya, napasinghap ako. Ang phone ko. Bigla akong kinabahan. Napawi ang antok at pagod ko, napalitan ng matinding kaba. Paanong nasa kanya 'yon? Nakita na ba niya ang bata? Malalaman na ba niya ang totoo? “Sa 'yo ba ‘to?” tanong ni Azrael, malamig ang boses niya habang nakatitig sa akin. Tumango lang ako at iniabot niya iyon sa akin. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko papalapit. Nang mahawakan ko na ang phone, tumunog ito bigla. Agad ko itong itinago sa dibdib ko. Si Ryo ang gi

