Chapter 28 Agad akong tumalikod. Anumang sandali ay tutulo na ang luha ko. Pero hindi pa man ako nakalayo, muling nagsalita si Azrael. "Saan ka pupunta, Canna?" Napahinto ako sa paghakbang at lumingon dito. Pinagloloko ba ako ng gagong 'to? Sinabihan niya akong umalis tapos magtatanong kung saan ako pupunta. Matalim ang titig ang binabato ko kay Azrael. Napaangat naman ng kilay si Clover. "Ano pang hinihintay mo, Clover. Get the hell out of my sight!"sigaw ni Azrael. Umawang naman ang labi ni Clover at hindi makapaniwalang tinignan si Azrael. "B-but..." "Aalis ka, o ipapakaladkad kita palabas?" malamig na banta niya. Binitiwan agad ni Clover ang sinturon at umatras. Nang dumaan ito sa harapan ko, saglit itong tumigil at tinitigan ako ng masama. "Bïtch," inis na bulong niya at

