Miraculous "HOW?" Ang tanging lumabas sa bibig ko habang titig na titig kay Adam. Tipid siyang ngumiti. Ngiting tila kinakabahan sa susunod na sasabihin. "Again. I'm sorry for lying. Wala naman kasi talaga akong balak na gawin kung ano man ang ginawa ko. Totoo ang sinabi ko na unang kita ko pa lang sa picture mo ay may iba na ako naramdaman. I am not a fanatic of love at first sight. Pero mukhang, iyon ang nangyari sa akin. Ang totoo, hindi ako ang ka-chat mo. It was Argus—my assistant." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Argus? Kung gano'n paano naging siya pero picture niya ang— "Ginamit niya 'yong picture ko. I don't know why he's doing that, sabi niya trip lang daw. How do I know? The time you call, saktong naiwan niya sa mesa ang cellphone niya. Then, I saw your pic… Hindi

