Prologue

1244 Words
Miraculous NAIINIS NA AKO sa kaharap ko parang tanga lang kasi na nakatitig sa akin. Mukha ba akong kriminal? "Stop looking me, I..I..go!" pagtataboy ko na lang sa kanya. Pero teka parang mali, sarili ko yata itinataboy Ko. Hay naku hirap naman kasi kausap ng mga forengers na ito. Bago pa ako sumabog ay tinalikuran ko na ang mukhang payasong forengers sa aking harapan. "Hey, wait!" rinig kong sigaw niya at nakita ko na lang siya sa aking harapan at nakaharang. "Where are you going?" tanong pa niya. Diba obvious na lalayo na ako bago pa ako madamay sa sakit niya. "I go to... Uuwi na ako!" medyo napalakas ang boses ko dahil sa inis. E, sinungaling naman kasi. Ang gwapo sa profile piktur, ang ganda ng katawan kaya pumayag ako magkita kami kasi narito raw siya sa Pinas. Pero, juice colored! Parang isang hipan lang sa kanya, matutumba na siya. Mas mataba pa si Whamos sa kanya. "No, we will date, right? Don't wo-worry, I have lots mo-money. I can buy anything y-you want," nahihirapan niya pang sabi. Baka may taning na buhay niya. Sabi ko ang gusto ko ay isang AFAM hindi isang PFMMG-Payasong Forengers Mabilis Mamatay Goodbye! "I don't need my money." tangna mali yata, wala naman akong pera. "Your money pala, go to morgue and say goodbye earth." Pagkasabi ko no'n ay mabilis na akong kumaripas ng takbo. Hindi naman niya ako mahahabol panigurado. Hingal na hingal akong napasandal sa may pader. Hawak-hawak ko pa ang aking dibdib dahil parang gusto magjump and rope sa bilis ng pagtibok. Peste talaga mga scammers na 'yan. Siguro akala mukha akong pera, mukha lang pero hindi naman ako nauubusan ng piso, 'no. Nang mahimasmasan ang puso kong akala yata ay ibibigay ko na siya sa payasong forengers na 'yun ay huminahon na rin sa wakas. Naglakad na ako palabas ng malaking mall na 'yun na ang pangalan ay BJ mall. Minsan diko talaga maiwasan mag-isip ng kakaiba sa tuwing makikita ko ang dalawang malaking letra na nakaukit sa bawat sulok ng mall. Hindi lang naman ako, ah. Baka nga pati ikaw iba nasa isip mo. BJ for Balls Jones. Ang Panget din. "Manong pabilhan naman," sabi ko kay manong na nagtitinda ng palamig. Nakarating na kasi ako sa labas ng mall at nasa paradahan na ng mga dyip. "Nakipag meet ka na naman, ineng?" tanong ni manong habang pinansasandok niya ako ng pineapple juice sa plastic na baso. Suki na kasi niya ako. At minsan napakwento ako sa kanya kaya simula nun lagi na akong dumadaan sa kanya "Salamat po." Tinanggap ko ang baso na may palamig na at ibinigay ang bayad ko. Naiiling na lang si Manong Toto dahil ayaw niya talagang tanggapin ang bayad ko. Sabi niya isang baso lang daw 'yun. Pero kahit na negosyo ay negosyo. Tubo na nga lang babawasan pa ba natin? Sumimangot ako matapos kong maubos ang aking palamig. "Dami na talagang scammers ngayon, manong. Kungsabagay, kasalanan ko rin, kasi nagtiwala agad ako. Isa siyang malaking ekis!" pagsusumbong ko kay manong. Natawa naman siya kasabay ng ibang tindera sa tabi niya. "'Yung anak ko na lang kasi ang ijowa mo, sigurado ka pa," sabad ni Aling Penpen. Mas nalukot ang mukha ko. "Aling penpen de sarapen ay sorry po." Nagsitawanan ang mga kasama namin. Sanay na naman sila sa akin kaya hindi sila napipikon. "Si leklek? Mas lalaki pa po yata galaw ko dun, eh. Kung makatili po ang anak n'yo parang tinutuli. Ay, sandali, natuli na po ba siya?" Muli na naman silang nagtawanan. "Hay naku, Miraculous! Umuwi ka na nga at baka hinahanap ka na ni buknoy," sabi naman ni aling Bingbing. Nakakatuwa talaga mga pangalan nila ulit-ulit lang parang 'yung ginawa ng jowa mo sayo. Ulit-ulit na panloloko, Charot lang. "Aling Bingbing, M.I.R.A lang po, bakit naman kasi Miraculous pinangalan sa akin?" "Miracle baby ka nga kasi, diba?" sagot ni Aling Eileen. Siya lang yata ang matino ang pangalan. Isa rin siya sa matalik na kaibigan ni Papita at ng mga magulang ko. Kaya alam niya ang kwento sa likod ng aking pangalan. "Sige na po, mauna na po ako, puno na po ang dyip." Kumaway pa ako sa kanila bago tuluyan sumakay sa harapan ng dyip. Lahat ng driver dun alam na kapag nakita na ako. Ipangtatabi nila ako ng upuan sa may harapan at tatawagin na lang pag puno na at aalis na. "Asan si Nognog?" tanong ko kay manong Juanito na siyang driver. "Kapag narinig ka na naman niyang tinatawag mo siyang Nognog, lagot ka." Nagsimula na si Manong Juanito na umabante hanggang sa tuluyan na namin nilisan ang BJ Mall. Umismid lang naman ako sa sinabi niya. Parang takot ako sa Nognog na 'yun. Tawagin ko pa siya Nognog ng paulit-ulit, eh. Si Nognog ay ang aking kababata. Akala nga nila ay magiging magkasintahan kami. Bagay daw kasi kami. Anong bagay pinagsasabi nila. Ang layo kaya, noh. Hindi sa nilalait ko si Nognog, gwapo 'yun, n***o nga lang. May lahi daw kasing black American. Nabuntis ang mama niya ng dating kasintahan na forengers. Kaso nadebol nung sumabak sa gera, sundalo kasi tatay nun. Kaya di na ako magtataka kung maraming kapatid 'yun sa tatay. "Baba na, Mira at kung saan na naman nakarating ang isip mo," untag sa akin ni Manong Juanito na nagpabalik sa aking sarili. Napalingon pa ako sa harapan. Nakatigil na pala siya sa Kanto namin. "Salamat po, manong. Ingat po kayo," paalam ko pagkababa ko sa kanyang dyip. Malayo pa man ako ay rinig na rinig ko na ang ingay sa karinderya ni Papita. Parang may gera kahit tapos na ang oras ng kainan. Almusal at tanghalian lang kasi ang alok ni Papita. May malapit na mga pabrika kaya talagang mabenta. "Oh, Nandito na pala ang iyong prinsesa," agad na salubong ni Mamita Venus, matalik na kaibigan ni Papita. Nakasara na ang karinderya at mukhang nagkwekwenta lang si Papita ng kanyang kinita. Lumapit ako sa kanya at nagmano. "Scammers na naman?" tanong niya agad. Hindi ko na kailangan sabihin sa hitsura ko pa lang ay alam na alam na niya. "Sus, sinabi ko na kasing tigil-tigilan mo na 'yang kakahanap ng Afam. Si Nuel na lang, gwapo naman 'yun, eh," pahayag ni Mamita Venus matapos ako magmano rin sa kanya at naupo sa tabi ni Papita. Si Nuel nga pala ay si Nognog. Tunay na pangalan niya ang Nuel, nakasanayan ko lang tawagin siyang Nognog. Cute naman, diba? "Tigilan mo kakareto dyan sa inaanak mo. Kung gusto niya ang anak ko di kumilos siya. Wala di kasing bayag 'yang inaanak mo, eh." Napangiwi naman ako sa sagot ni Papita. Hindi man niya literal na sabihin sa akin, alam ko na gusto niya ring tigilan ko na ang kakahanap ko sa mga AFAM na 'yan. "Hindi naman siguro, Mars. Lalaking-lalaki naman 'yun. Nakita ko na ngang nakipagchorvahan 'yun dun sa anak ni...Sino kasi 'yung mukha pirana sa kabilang kanto?" Sabay kaming natawa ni Papita sa sinabi ni Mamita Venus. Kahit kailan talaga masyadong mapanglait. Ito ang pamilyang kinalakihan ko. Simula ng mamatay ang mga magulang ko. Si Papita na kapatid ni Nanay ang nag-alaga sa akin. Oo, isa siyang darna, pero hindi ko ikinakahiya 'yun. Proud ako na siya ang naging magulang ko. Ako nga pala si Miraculous Abulencia, hindi ambulansya na nagwawangwang. Ayusin n'yo bigkasin. At Mira lang huwag na natin pahirapan ang mga readers natin. At ang goal ko, Operation: Searching my own AFAM.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD