Madison Hindi ko maiwasang hindi mapailing dahil sa mga desisyon ni Michael. Hay na ako! Mga lalaki nga naman, ang tataas ng ego at pride eh. Gets ko naman kung bakit siya galit kay Gabrielle pero hindi ito ang pagkakataon para mag away away. Galit man ako kay Gabrielle pero iisa lang ang gusto naming lahat. At yo’n ay ang mahanap si Elle. Napangisi ako sa ekspresyon ng mukha ni Michael pagkatapos kong ibaba ang tawag na natanggap ko mula sa Mommy ni Gabrielle. “Palibhasa nagseselos ka lang kay Gabrielle eh..” Pabulong kong sabi kaya nakita kong kumunot ang noo ni Kie. “Bakit ako magseselos, friends tayo syempre nag aalala-“ “Friends? Sus, deny pa kahit halatado ka naman.” Sarkastiko at mapang asar ko pang sambit sa kaniya bago ako tuluyang umalis sa unit niya. “Balitaan mo kapag m

