Elle
Napahinga na lang ako ng malalim nung makalabas si Gabrielle sa kuwarto ko. Seryoso ba siya?! Matulog kami na magkatabi?! Eh ni hindi niya ako matignan ng diretso sa mga mata eh. Pano ba ‘to?! Ano bang gagawin ko?!
Huminga ako ng malalim at muling naupo sa kama. “Bahala na nga.” Sambit ko sa sarili tapos ay nagdesisyon na akong bumaba para tignan kung may dinner na ba kasi balak ko din sanang lutuan si Tita ng paborito niyang pagkain.
Nung malapit na ako sa dirty kitchen ay amoy na amoy ko ang bango ng nilulutong ulam doon. “Nagluluto na si Manang?” Tanong ko sa sarili ko. Pero nagulat ako nung makita ko na si Tita Melissa ang nagluluto.
“Ma, bakit ho kayo ang nagluluto? Ako na ho diyan. Baka ho mapagod pa kayo-“
“Hay na’ko, Hija. Kaya ko na ‘to. Alam mo ba, paborito kong libangan ang pagluluto?” Nakangitng sambit niya sa akin habang pinagpapatuloy niya ang paglalagay ng ingredients sa niluluto niya kaya naman tinulungan ko na lamang siya.
Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. Lumaki ako na naghahanap ng pagmamahal ng isang pamilya partikular na ng isang ina. Kaya kung mayroon man magandang naidulot ang nangyari sa amin ni Gabrielle ay iyon ang nakilala ko si Tita Melissa. Una pa lang ay sobrang bait niya na sa akin, tinaggap niya ako na parang sarili niyang anak. Para siyang naging ina para sa akin kahit pa hindi maganda ang pagsasama namin ni Gabrielle. Kahit paano ay hindi nagsisisi na nandito ako nyayon, nag-guilty pa nga ako dahil alam kong mali pero pakiramdam ko niloloko namin ang parents ni Gabrielle dahil sa pagpapanggap.
Naniniwala din ako na hindi naman talaga gano’n klaseng tao si Gabrielle, pareho lang kaming naiipit sa sitwasyon. Siguro naman ay may kabutihan at lambot pa din sa puso niya, bagay na hindi ko pa nakikita kapag ako ang kaharap niya.
Pagkatapos na pagkatapos namin magluto eh hinanda ko na ‘yung dining table tapos si Tita Melissa naman ang tumawag kay Gabrielle na nasa personal office niya dito sa bahay.
“Ang bango naman, is that adobo?” Rinig kong Nakangiting tanong ni Gabrielle sa mama niya habang papalapit sila dito sa dining area. “Aba, syempre. Mabango yan at masarap kasi kaming dalawa ni Elle ang naluto.” Pagmamalaki ni Tita kay Gabrielle tapos ay pinaghila niya ito ng upuan at saka tumabi sa akin kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya.
Pinagsandok ko si Tita ng ulam gano’n si Gabrielle na ngumiti lang sa akin pero hindi kumibo. “Salamat, Hija.” Sambit ng mama niya tapos nagulat ako nung bigla akong pagsandukan ng kanin at ulam.
“You should eat well too, hon.” Nakangiti at malumanay niyang sambit kaya medyo na ilang ako. Nagsisimula na kaming kunain nung biglang na-open up ni Tita Melissa ang mga kaibigan ko kay Gabrielle. “Anak, alam mo ba, nakilala ko kanina ‘yung mga kaibigan nitong si Elle. They are so nice at nakakatuwa silang kasama.” Nagagalak na kuwento ni Tita kay Gabrielle tungkol sa mga kaibigan ko kaya seryosong napatingin sa akin si Gabrielle. Mali yatang pinakilala 'ko pa si Tita Melissa kina Kie at Madison, baka mas lalo lang kaming mag-away nitong si Gabrielle eh. Hays!
Habang nakain kami ay biglang may tuwag kay Tita, ang asawa niya kaya nag-excuse muna siya para sagutin iyon. Habang naiwan kaming dalawa ni Gabrielle dito sa dining area.
“You shouldn’t do that, hindi mo dapat ipinakilala ang mga kaibigan mo kay Mama-“
“Kung hindi ko ginawa iyon ay malamang nahuli na kayo ni Amethyst na magkasama.” Mariin kong sambit na kinatahimik niya. Para siyang natauhan sa sinabi ko kaya natahimik siya tapos no’n ay agad na rin bumalik si Tita.
“Ma, busog na po ako, mauna na po ako sa taas, may tatapusin pa po kasi akong paperworks.” Nakangiting paalam ko kay Mama kaya nagtataka niya akong tinignan.
“Sure ka ba, nak?” Takang tanong niya kaya ngumiti ako. “Opo, maaga pa din po kasi ako bukas eh.” Pagdadahilan ko pa sa kaniya dahil ayoko na din makasabay si Gabrielle. Baka din mamaya eh kulitin pa niya ako na do’n matulog sa kuwarto niya. Eh di hindi ako makakatulog kung gano’n!
“Hay, ang sarap matulog! Malamig ang panahon.” Sambit ko nung makahiga ako sa kama ko. Para akong tangang nakatulala sa may kisame. Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot at kaba. Maya maya, habang nagmumuni muni ako ay biglang may narinig akong katok sa may pintuan. Muntik na kong mapatalon sa gulat nung narinig ko iyon.
Hindi na ko nag-abala pang pansinin iyon tapos nagtalukbong ako ng kumot at nagkunwaring tulog. I know if it’s Gabrielle he can open the door kahit pa naka-lock kasi may spare keys siya ng mga kuwarto sa bahay at tama nga ako it was Gabrielle. I heard him called my name but I didn’t bother to respond.
Nakahinga ako ng maluwag nung hindi ko na narinig ang boses niya. Akala ko naman lumabas na siya kasi nawala na ‘yung ingay at hindi ko na siya ulit narinig pang tumawag pero nagulat ako nung pag-alis ko ng kumot eh nakita ko si Gabrielle na nakatayo sa harap ko at nakahalukipkip ang mga kamay niya. “Bingi ka ba?” Kunot noong tanong niya sa’kin.
"A-anong ginagawa mo dito?" Singhal ko sakaniya pero mas lalong kumunot ‘yung noo niya sa tanong ko.
"I should be the one, asking you that question. Anong ginagawa mo dito?" Mariin nitong tanong tapos ay naupo siya sa edge ng kama ko pero hindi ako kumibo at nagsalita.
"Fine, kung ayaw mo sa kuwarto ko. Ako na lang matutulog dito." Suhestiyon niya sabay hila nung unan na nakapatong sa legs 'ko.
Parang nagdilim 'yung paningin 'ko sa ginawa niya. Hindi nga ko pumunta sa kuwarto niya means ayoko sa suggestions niya tapos eto siya ngayon sa kuwarto 'Lko at dito siya matutulog?! No. ayoko. Hindi ako papayag!
Agad akong tumayo at saka hinila 'yung comforter na nakabalot kay Gabrielle pati na rin ‘yung unan na hinablot niya sa’kin kanina. “Do'n ka sa kuwarto mo! May sarili ka namang kuwarto, bakit ka sisiksik dito? Mamaya lang tulog na ang Mommy mo at siguro naman na hindi niya na mamahalata kung magkaiba man tayo ng kuwarto o hindi." Reklamo ko pa sakaniya. “Tandaan mo! Wala sa usapan natin ang ganitong bagay!” Mariing singhal ko pa sa kaniya.
Napabalikwas siya do'n sa kamang kinahihingaan niya dahilan para mahulog siya sa sahig pero agad naman siyang tumayo at binawi 'yung comforter at unan sa'kin pero hindi 'ko binitiwan yo'n at tinutulak ko siya papalayo. Hanggang sa makarating kami sa may pintuan. "Ano ba! Matutulog lang naman ang arte arte mo." Sigaw pa nito sa'kin at saka irita niyang hinala 'yung comforter at unan na hawak ko.
Nag aagawan kami sa comforter at unan nung bigla kong makita si Tita Melissa na paakyat dito sa second floor. Siguro ay matutulog na siya.
Parehas kaming nataranta ni Gabrielle nung makita namin siya kaya nabitawan ko 'yung comforter at unan at nasalo naman niya agad iyon.
Bakas sa mukha ni Tita Melissa ang pagtataka nung makita niya kami ni Gabrielle. “Anong ginagawa niyong dalawa diyan?" Nakakunot noong tanong nito samin nang makita niya kami.
Nagkatinginan kami sandali ni Gabrielle dahilan parehas naming hindi alam ang isasagot. “Ma, n-nandiyan ka pala.” Tila nahihiyang sambit ni Gabrielle. “Naglalaro lang po kami ni Elle.” Nakangiting sambit niya. “Hon, kasi hindi nga puwedeng doon tayo isang kuwarto matulog. Bukas ko na ipapaayos ‘yung pintuan ng balcony mo.” Malumanay na baling pa niya sa akin kaya hindi na ako kumibo at ngumiti na lang ako tapos ay nagulat ako nung lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Sinakyan ko na lang ‘yung palusot niya at yumakap ako sakaniya.
"Oo nga po, patulog na din naman po kami, eto kasing si Gabrielle ang kulit kulit eh. Sabi ko kanina eh ipaayos niya na ‘yung pintuan ng balcony mamin eh.” Sakay ko sa palusot ni Gabrielle kaya agad naman napalitan ng ngiti ‘yung reaksyon ni Tita Melissa.
“Na’ko, kayo talagang dalawa! Magpahinga na kayo. Tama na yang harutan niyo diyan at bukas niyo na yo’n asikasuhin.” Nakangiting wika nito sanin kaya tinawanan na lang namin ‘yung biro niya tapos ay umalis na si Tita papuntang guest room.
"Good night, Ma." Sabay naming sigaw ni Gabrielle bago siya tuluyang makalayo.
Nang makaalis si Tita Melissa ay agad akong tinulak ni Gabrielle ng bahagya papasok do'n sa kuwarto ko, pipigilan ko sana siyang pumasok pero hindi ko nagawa kaya hinayaan ko na lang siya. Dumiretso siyang humiga do'n sa kama 'ko at padabog naman akong sumunod at hinarang ko pa ang dalawang unan sa pagitan naming dalawa.
"Huwag kang malikot matulog ha, hanggang diyan ka lang." Mariin kong bilin sakaniya.
Ako ang nasa kanan habang siya naman ang nasa kaliwang banda ng kama. Hindi na siya sumagot kaya malamang ay natulog na siya kaya pinatay ko na rin ‘yung magkabilang lampshade na nakapatong sa side table hindi naman siya magreklamo kaya malamang ay tulog na siya. Tss! Bilis makatulog ah. Feel at home?! Sa bagay, bahay niya naman to at nakikitira lang ako.
Hindi ako makatulog kaya naman naisipan kong silipin si Gabrielle na mahimbing at malalim na ang pagkakatulog. Umayos ako ng higa at humarap sakaniya. Tignan mo nga naman oh, mukha pala siyang anghel kapag tulog eh. Ang amo ng mukha niya, malayong malayo sa itsura niya tuwing tinitignan niya 'ko kapag gising siya. Hays.
Napangiti ako pero maya maya ay unti unting nawala ang mga ngiting iyon at napalitan ng kaba. Nanlaki ang mga mata ko nung napagtanto kong nakamulat na ang mga mata niya at doon kami sandaling nagkatitigan.
“You’re enjoying your view tonight, aren’t you?” Malalim at mapang akit niyang tanong tapos ay nakita ko ang pag ngisi niya kaya agad ko siyang tinasaan ng kilay at agad akong lumayo sa kaniya.
“Hindi ah! Ang feeling mo naman! I-iyong lampshade mo pinatay ko lang naman! Hindi ako makatulog ng may ilaw!” Mariing depensa ko tapos nahiga na rin ako ng nakatalikod sa kaniya pero narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Maya maya ay kinabahan ako at nagsitayuan ang mga balahibo ko nung maramdaman kong may humawak at humalik sa braso ko kaya nariin akong humarap sa kaniya at tinulak ko siya papalayo sa akin.
“Gabrielle!” Mariin kong sambit at agad akong napatayo sa kama.
“Bastos! Nahihibang ka na?! Matulog ka diyan mag isa mo.” Mariin kong sambit sa kaniya pero nakapagtataka na gulat lamang ang tanging nakikitang ekspresyon niya ngayon.
Papalabas na ako ng kuwarto at pipihitin ko na sana ang doorknob pero nagulat ako nung pigilan ako ni Gabrielle at muli niyang sinara iyon tapos nung hinarap ko siya ay hinigit niya ang bewang ko papalapit sa kaniya.
“Dito ka lang, Elle..”