"UNCLE, pa burger naman diyan, samahan mo na rin ng sundae at fries. Nami-miss ko na ang panlilibre mo." "No, masyado ka nang matanda para kumain sa fastfood, young man." "Sige na po, please?" "No." "Please po? Magpapakabait na po ako, promise! Hindi ko na ibibigay sa mga chatmates ko ang mga pictures mo." "No." "Hindi ko na po kayo papaalisin sa bahay namin." "It's still a no." "Please--" "No. Stop it, Xanley. Hindi puwede at ayoko." "Ang kuripot mo talaga, Uncle! Pareho kayo ni Mommy. Buti pa si Miss Beautiful, mabait. Kailan ko kaya ulit siya makikita? Tsk! Hindi ka marunong tumupad sa usapan, Uncle. Ang sabi mo pag natalo kita sa basketball ililibre mo 'ko." I heaved out a sigh and stood up from my swivel. Fourteen years old na hindi pa rin nagbabago ang isang 'to. Isip bata

