Chapter 5

2610 Words
Chapter 5 Umiiyak si Elly nang paalis na kami. Nadudurog ang puso ko kapag nakikita ko siyang umiiyak. Kung pwede lamang sana siyang isama, isasama ko. Ngunit ayoko naman siyang isuong sa init ng panahon. Iyon ang kinatatakutan ko, eh. Alam ko kasi na hahanapin at hahanapin niya ako dahil ako madalas ang kasama niya. Hindi pa nga ako nagsisimulang mag-aral, gano'n na 'yong reaksyon niya kapag umalis ako. Paano pa kaya kapag mag-hapon niya akong hindi nakita? Mabuti nga at nakapag-tapos ako ng High School at Senior High no'n kahit nandiyan na si Elly. Nahuli nga lang ako ng isang taon sa mga kasabayan ko. Grade 11 ako nang mabuntis ako kay Elly. Gusto ko nalang huminto sa pag-aaral dahil sa kahihiyan noong mga panahon na iyon. At hindi lang pala sa kahihiyan, dahil na din sa hirap ng dinanas ko sa pagbubuntis sakanya dahil sobrang selan ko no'n. Pero nakaka-proud na kinaya ko naman at nairaos ang grade 12 kahit huminto ako. Naunang gumradweyt sa akin si Ash at 'yung mga kaibigan ko. Huminto ulit ako nang magco-college na dahil hindi ko na maiwan si Elly. Pero kahit mahirap 'yung naranasan ko, noong makita ko siya sa unang pagkakataon, parang nawala ang lahat ng 'yon. Wala akong pinagsisihan kahit na sinabi sa akin ng iba na ipalaglag ko siya. Muntik pa nga siyang mawala sa akin dahil sa sobrang stress ko nang mga panahon na 'yon. "Don't worry about Elly, Maze. Hindi naman siya pababayaan ni Roj," ani Ash habang nagmamaneho. Napansin niya siguro na iniisip ko si Elly ngayon. Alam ko naman na naaawa din si Ash sa anak niya kaninang umiiyak siya. Kinausap pa nga niya ang mga magulang niya na kung pwede namin siyang isama nalang pero hindi sila pumayag. Baka daw matagalan kami at kawawa 'yung bata kung mabibilad sa araw. Mas mabuti nang nasa bahay nalang siya na totoo naman. "I know," matabang kong sagot. Medyo nakakaramdam pa din ako ng inis sakaniya dahil sa sinabi niya kagabi kaya ayoko muna siyang masyadong kausapin ngayon. Mula kaninang paggising ay iniwasan ko siyang maka-usap. Kung hindi lang siguro niya ako sasahaman tungo sa university ngayon, hindi ko siya papansinin. Sobrang unfair niya kasi, eh. Siya, pwede niyang gawin ang lahat nang hindi man lang nakakaramdam ng guilt, samantalang ako, ni lumabas sa bahay ay hindi ko magawa. Hindi naman sa binabawalan niya ako. Sarili ko namang desisyon iyon, pero sana man lang, gawin din niya iyong mga ginagawa ko. Hindi nga ako makaligo ng lampas isang oras dahil kay Elly, eh. Lalo na noong sanggol pa lamang siya, ni makakakain ng matiwasay ay hindi ko magawa. Ang dami kong isinakripisyo mula noong magkaroon ako ng anak. Eh siya? Ni hindi niya kayang iwan ang girlfriend niya. "Are you upset with what I said last night?" Tanong ni Ash. Nakita ko sa sulok ng mata ko na lumingon ito sa akin. "Yup. Ang unfair mo kasi para sabihin sa akin 'yon." Amin ko saka tumingin sakaniya. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Tipid itong ngumiti habang naka-focus ang mga mata sa daan. "Unfair na bang matatawag 'yon kung ayoko lang magkaroon ng kaagaw ang anak ko sa atensyon ng mommy niya?" Pahayag nito sa tinig na parang nang-iinsulto. Umirap ako sa kawalan. "At sa tingin mo, hahayaan ko na mangyari 'yon?" I retorted. "Ash, huwag mo akong itulad sa'yo!" Singhal ko. Tumaas ang mga kilay nito saka ako nilingon. "What did I do, Maze?" Kalmadong tanong niya. Sa apat na taon naming pagsasama, lagi namang kalmado ang tinig niya kahit na nagkakasagutan kaming dalawa. Siya 'yung laging nagpapasensya sa akin. Kapag kasi naiinis ako, naiinis ako. Halata iyon sa tinig at sa mukha ko. Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Pero si Ash? Magaling siyang mangontrol ng emosyon niya. Oo, minsan ay naiinis din siya at nagagalit sa akin kapag sumobra na ang mga sinasabi ko. Pero madalas, mas gugustuhin niyang tumalikod para lang hindi na humaba pa ang usapan. At 'yon ang mas lalo kong ikinakagalit minsan. "What did you do? Hindi mo alam?" I mocked. "Ayaw mong magkaroon ng kaagaw sa akin si Elly, pero sa'yo, may kaagaw 'yong anak ko!" Sumbat ko pa. Pero alam ko sa sarili ko na wala naman talaga. Hindi ko nga alam kung si Elly pa ba 'yong ipinaglalaban ko dito o ako na, eh. "Kaagaw?" Ulit nito. "Sino, Maze? Are you talking about Briella?" Ngumiwi ako. "See? Alam mo agad kung sino." "Briella and I broke up even before Elly was born, Maezel." Napa-ismid ako sa sinabi niya. "Ayaw mong maniwala?" Hindi ko alam kung papaano pa niya napapanatiling kalmado ang sarili niya. At hindi ko alam kung saan patungo itong pag-uusap naming dalawa. Bakit ba ako nagre-reklamo ngayon? Bakit ako nanunumbat? "Ba't ako maniniwala kung alam ko 'yong totoo, Ash? May nakakakita sainyo na laging magkasama!" Pikon kong sabi. "Buti pa nga si Briella, nadi-date mo, eh!" Kinagat ko ang ibabang labi ko nang sumiksik sa isip ko kung ano 'yong sinabi kong 'yon. Para bang naiinggit ako dahil sa salitang lumabas bibig ko. "I don't date her anymore, Maze," pagdi-deny pa nito. "Kung sino man ang nagsabi sa'yo niyan, tell them to get their facts checked first." Inirapan ko siya. "May mga picture kayo na magkasama, Ash," matabang kong sabi. Totoong may mga picture silang dalawa na magkasama habang kumakain. Sinend iyon sa akin nung kaibigan ko. Though, hindi lang naman silang dalawa. Kasama nila 'yung mga block-mates ni Ash at hindi naman sila magkadikit o magkatabi kaya hindi ko alam kung bakit ginagawa kong panlaban sakanya ang mga picture na iyon. At gusto kong tapikin ang bibig ko sa mga salitang lumalabas mula dito. Bakit napunta sa ganito ang usapan? Hindi naman kami nag-aaway ng ganito ni Ash, eh. Ang madalas naming pagtalunan ay tungkol lang kay Elleen. Iyong kapag may gusto siya na hindi ko ibinigay o 'yong pangi-spoil niya sakanya. "If there were proofs, then okay. There's no point in arguing. You win," aniya na lalong nagpa-init ng ulo ko. "Pero walang kaagaw sa akin si Elleen, Maze. Alam mo 'yan." Humugot ako ng isang malalim na hininga para mapakalma ang sarili. Ako 'yung lagi niyang ipinapanalo, pero pakiramdam ko ay talo pa din ako. Ganito lagi 'yung pakiramdam ko kapag nag-sasagutan kaming dalawa. "Sabi mo, eh!" Mapait kong sabi saka tumingin sa labas ng bintana. Doon ko lang napagtanto na nakaparada na pala ang sasakyan sa may harap ng university kung saan nag-aaral si Ashton at kung saan din ako mag-aaral. "Wala ka din kaagaw sa akin kaya ayoko din ng may kaagaw ako sa'yo. Sa amin ka lang ni Elleen." Kumabog nang husto ang dibdib ko dahil sa sinabi niyang iyon. Napaka-seryoso ng tinig niya at hindi ko alam kung kikiligin ba ako, matutuwa o matatakot sa sinabi niya. At bago pa ako makalingon sa gawi niya, nakababa na siya at nabuksan na niya ang pintuan sa tabi ko. Atubili akong bumaba mula sa sasakyan. Hindi ko siya magawang tignan dahil doon sa sinabi niya, habang siya ay diretsong nakatingin sa akin. Nakikita ko iyon sa sulok ng mata ko. Hinayaan ko siyang naunang maglakad habang nakasunod sakanya. Kitang-kita ko ang tingin sakanya ng mga ibang tao na nadadaanan namin. 'Yung iba nga ay napapalingon pa sakanya. At hindi ko sila masisisi kung binabalikan siya ng tingin. Ang sabi ko nga, gwapo si Ashton. Lalo na't may suot itong wayfarers ngayon. Magaling siyang pumorma. Maayos niyang nadadala ang kasuotan niya. Hindi din ganoon kalaki ang pangangatawan niya; sakto lang. Hindi siya payat, hindi din mataba. Kaya siguro si Elly, hindi din tabain. Pero ano nga ba talaga ang ibig niyang sabihin doon sa sinabi niyang iyon? Mabilis lang akong nakapag-take ng entrance exam dahil sa tulong ni Ash. Siya lahat 'yung nag-ayos ng mga kailangan ayusin at kailangan bayaran. Hindi ko naman kasi alam kung anu-ano ang mga dapat kong gawin, eh. Hindi naman masyadong mahirap ang exam at nasagutan ko naman ang lahat ng mga katanungan. Hindi ko lang masigurado kung papasa ba ako sa kursong gusto ko. Hindi naman mahina 'yung ulo ko, pero ayokong makampante hangga't walang resulta. Mamaya ko pa malalaman kung pumasa ba ako o hindi. Napatingin ako kay Ashton nang i-abot niya sa akin ang isang plastic bottle na may lamang tubig habang naka-upo sa g**g chair dito sa waiting area ng admin building. Sinabi kasi nila sa aming mga nag-take ng entrance exam na dito kami maghintay ng resulta para kung sakali man na kailangan naming magre-take, makapag-re-take kami. Hanggang tatlong beses naman daw pwede. Pero sana ay pumasa ako sa isang take lang. "Thank you." Sabi ko nang kinuha ko iyon. "Pwede ba akong makipag-kita kay Krystal mamaya, Ash?" Paghingi ko ng permiso. Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pang humingi ng permiso sakanya. Siguro ay nakasanayan ko na? O ayaw ko lang siyang balewalain? Gusto ko man magtanong sakaniya nang tungkol doon sa sinabi niya kanina pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka wala naman iyong ibang kahulugan sakaniya. Baka sinabi lang niya iyon para makaramdam ako ng guilt kung sakali mang maisipan kong humanap ng iba. "Yeah, sure." Tango nito. "Saan ba kayo magmi-meet?" Tinignan ko ang screen ng phone nang maka-receive ako ng chat mula sa mga kaibigan ko. May group chat kami sa messenger at dito ko nalang sila madalas maka-usap. Paminsan-minsan din naman silang pumupunta sa bahay dahil alam nila na hindi ako makaalis dahil kay Elly. Nasabi ko kasi sakanila na magte-take ako ng entrance exam ngayon kaya gusto nilang makipagkita. "Sa mall lang." Tumingin ako kay Ash na naka-upo sa tabi ko. "Sasaglit lang ako para kaagad akong maka-uwi." "No need to rush, Maze. Kung inaalala mo si Elly, okay lang siya do'n. Tinawagan ko si Roj kanina hindi na daw siya umiiyak." Tumango-tango ako. "Kailangan na din masanay ni Elly na hindi ka niya kasama sa maghapon." Tipid akong napangiti dahil doon. Kailangan ko na nga sigurong sanayin ang anak ko. Medyo nakakalungkot lang isipin. Ngayon pa lang, nami-miss ko na siya, eh. Pero kailangan ko talagang makapag-aral at makapag-tapos. Hindi lang naman para sa akin. Para sakanya din naman. "Ikaw, baka may gusto ka pang puntahan?" Saad ko. "Ako na lang dito, Ash. Alam ko naman na 'yung gagawin. Mauna ka nang umalis." Bahagyang kumunot ang noo nito. "Pinagtatabuyan mo ba ako?" Tanong nito. Ngumuso ako saka umiling. "Hintayin na natin 'yong result ng exam mo. Sa mall na lang din tayo mag-lunch," aniya. "Si Krystal lang ba ang imi-meet mo?" Umiling ako. "Pati si Clea tsaka si Shiela." Tumango ito. Mabilis akong nag-type ng message sa group chat namin at sinabing pupunta ako at makikipag-kita sakanila pero kasama si Ashton. Mabait naman si Ashton sa mga kaibigan ko aside from the fact na ninang sila ni Elleen. Magkakaklase kami noong High School. Kahit 'yung mga barkada niya ay kaklase din namin kaya kilala ko sila. Mga ninong din sila ni Elly. Well, maliban dun sa isa: 'yung barkada niyang gustong-gusto ko noon, si Calvin. Kapatid siya ni Briella. Ang alam ko ay sobrang nagalit 'yun kay Ashton at nagsuntukan pa silang dalawa sa campus nang kumalat ang balita na nakabuntis ng ibang babae si Ashton. At ako 'yong iba na 'yon. Nasira ang pagkakaibigan nila dahil sa nangyari. Siguro ay iniisip niya na niloko ni Ashton ang kapatid niya kaya ayaw na niya itong maging kaibigan pa. Well, sino nga ba ang hindi magagalit kung ginago 'yung kapatid mo, 'di ba? Hindi naman siguro siya tanga na pakikisamahan pa si Ashton kahit na nasaktan 'yung kapatid niya. Kahit pa na sabihin na isang malaking pagkakamali lang ang nangyaring iyon at hindi ginusto ni Ashton. Pero kahit siguro may anak na sa iba si Ashton, tanggap pa din siya ni Briella. Hindi kasi ako naniniwala na wala na silang dalawa, eh. Kahit siguro binawalan na siya ni Calvin at pinaiwas, hindi niya mapigilan ang sarili niya. Bakit pa siya tatawag kay Ashton, 'di ba? "Hi! Is this taken?" Napalingon ako sa nagtanong at nakita ang isang lalaki sa may bandang kaliwa ko. Malapad itong nakangiti sa akin habang nakaturo sa bakanteng upuan sa tabi ko. 3-seater lang kasi itong g**g chair sa hanay namin kumpara sa mga nasa unahan na 5-seater. "No." Iling ko saka ngumiti. Nakasabay ko itong mag-take ng exam kanina. "Hindi pa ba sila nag-release ng result?" Tanong pa nito. "Maezel, right?" "Yup. King, right?" Tumango ito. "Hindi pa sila nag-release, eh." Naramdaman ko ang pabasak na pagsandal ni Ashton dahil magkakadugtong lang naman itong mga inuupuan namin pero hindi ko siya pinansin. Baka nangawit lang 'yung likuran niya. "Anong course nga pala ang kukunin mo?" Tanong pa nito. "Nursing sana kung papasa." I chuckled. "Ikaw ba?" "Uy, same!" Masiglang sabi nito. "Blockmate sana tayo!" Excited pa niyang sabi. Narinig ko ang pagtikhim ni Ashton. Medyo malakas iyon. Mukhang hindi naman iyon pansin nitong kausap ko. Mukha ngang hindi niya alintana si Ashton, eh. Siguro iniisip niya na hindi kami magkakilala ni Ash. Baka akala niya, simpleng nakatabi ko lang siya dito sa g**g chair. "Sana nga." Peke akong tumawa. "Ilang taon kana kasi?" Tanong pa ni King. Well, he's just trying to have a casual conversation, I know. At wala namang masama na makipag-usap ako sakanya, 'di ba? Kahit na nandito si Ash, right? This guy seem harmless and nice. "Twenty-one," sagot ko. "Oh, talaga?" Hindi makapaniwalang sabi nito. "Akala ko 18 ka palang." Natawa ito sa sarili. Umiling lang ako saka ngumiti. "Can I call you Maze?" "Sure. Everyone calls me Maze." Kumunot ang noo ko nang marinig ang pabulong na mura ni Ashton. Lumingon ako sakaniya at nakita na naglalaro ito sa cellphone niya. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay King nang magsalita ulit ito. "Mag-e-enroll ka na ba ngayon?" "Uh, no. Baka bukas na siguro. Hindi ko kasi dala 'yung ibang requirements, eh." "Okay lang makisabay sa'yo? Wala kasi akong--" "Ashton!" Medyo malakas na sabi ng isang tinig ng babae na nagpatigil kay King sa pagsasalita. Pareho kaming napatingin sa babaeng naka-skirt, turtle-neck crop top at naka-heels. May kasama din itong dalawang babae na nasa likuran niya. They're all pretty. Nilingon ko si Ashton na umayos ng upo. Tumango ito sa babaeng tumawag sakaniya saka tipid na ngumiti. Ni hindi man lang niya ako binalingan ng tingin pero okay lang. Wala naman sa akin iyon. "Ngayon ka pa lang mag-e-enroll?" Tanong ng babae. Kinuha ko ang plastic bottle sa may ibaba ng upuan ko para uminom dito. Hindi na din nagsalita si King dahil alam niya siguro na masasapawan lang ang tinig niya nitong babaeng nakikipag-usap kay Ash. Medyo matinis kasi ang boses niya, eh. "No," sagot ni Ash. "Sinamahan ko 'tong asawa ko." Muntik ko nang maibuga ang tubig sa bibig ko nang marinig ko iyon. Mabuti na lamang at mabilis kong natakpan ang bibig ko. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Ashton. Mabilis din niya akong inabutan ng panyo. Nilunok ko ang tubig saka kinuha ang panyo. Pinunasan ko ang bibig at mga kamay ko. "May... asawa ka na?" Halata ang gulat sa tinig ng babaeng kausap ni Ash kaya sinulyapan ko siya ng tingin. Hindi lang sa boses niya halata. Pati na din sa mukha niya at sa mukha nung mga kasama niya. Halata din ang gulat sa mukha ni King nang mapatingin ako sakaniya. "Ah-huh," ani Ash na para bang normal lang na ipakilala niya ako sa lahat bilang asawa niya. Umakbay pa ito sa balikat ko. "Maze, si Densy, blockmate ko," pakilala nito. "Densy, si Maze, asawa ko." Napalunok ako saka tumingin sa blockmate niya at nahihiyang ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD