CHAPTER 2: Ang Parusang Naghihintay

1068 Words
Nagmadali sina Diyosa Phoenix at Diyosa Lyra sa paghahanap kay Haring Cepheus upang ipaalam ang mga pagkakamaling nagawa nila. Ito ay ang pag labag sa batas at ang pagkawala ng mahiwagang singsing ni Prinsesa Cassiopeia. Sa mga oras na iyon ay nagpapahinga ang hari,dahil sa sobrang pagod. Malapit nang sumikat ang araw nang makita nila si Haring Cepheus na nagmamasid sa palagid, dahil pakiramdam niya ay parang may mali sa Planetang Éarthus na kaniyang pinamumunuan. "Mahal na Haring Cepheus paumanhin po kung na abala namin kayo." "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo mga magagandang Diyosa ng Éarthus?" Tanong ni Haring Cepheus. "Bakit parang kinakabahan kayo may masama bang nangyayari na hindi ko alam?" Dagdag na tanong ni Haring Cepheus na nagtataka. Agad na sinabi ng dalawa ang nangyari at nagalit si Haring Cepheus. Ipinatawag niya ang kaniyang anak na si Prinsesa Cassiopeia upang ito ay makausap. Si Prinsesa Cassiopeia ay pumunta sa limang mga buwan sa mga oras na iyon at inaayos niya ang mga problema, nakausap niya ang namumuno sa kaharian ng limang buwan na si Prinsipe Eridanus, ang kaniyang kapatid. Tinulungan siya ng prinsipe pero kahit na anong paliwag ang kanilang sabihin. Ngunitnni isang uri ng Elf ay walang nakinig sa kanila, kaya ang prinsipe ay nagalit, gagamitin na sana niya ang kaniyang kapangyarihan pero pinigilan siya ni Prinsesa Cassiopeia. "Huwag mong gamitin ang iyong kapangyarihan kausapin natin sila ng maayos at malumanay, maaaring ikamatay ng karamihan kapag gagamit ka ng mahika," ang malumanay na sinabi ni Prinsesa Cassiopeia kay Prinsipe Eridanus na galit. Pilit niyang pinag-aayos ang mga Elf na nakatira sa limang buwan, subalit walang nakikinig sa kaniyang mga paliwag, dahil sa pag-aakala ng mga Elf na nagdadahilan lamang si Prinsesa Cassiopeia upang pagtakpan ang katotohanang mas gusto nila ang kulay itim na mga Elf. Agad na naghanda ang mga Elf para sa kanilang paglalaban, napag-usapan ng mga apat na kulay, ang pula, asul, dilaw at berde na salakayin ang mga itim na Elf sa pag lubog ng araw. "Kailangang mawala ang mga itim na Elf dahil sila lang ang binibigyan ng pansin ng mga hari, reyna, prinsesa at mga prinsipe!" Sigaw ng mga kulay berdeng Elf. Nang mahanap ng dalawang Diyosa si Prinsesa Cassiopeia ay agad nilang ipinaalam sa kaniya ang sinabi ng kaniyang ama, kaya agad na nagtungo sa Palasyo ng Planetang Éarthus si Prinsesa Cassiopeia. Nang makarating siya ay agad siyang nakipag-usap sa kaniyang ama at sinabi ang balak ng apat na kulay ng Elf, ang pula, asul, dilaw at berde. "Bilang parusa sa kapahamakang ginawa mo na nagdulot ng unti-unting pagkasira ng ating planeta..." hindi pa tapos si Haring Cepheus ang nais nitong sabihin ay agad ng nagsalita si Prinsesa Cassiopeia. "Ama patawarin niyo sana ako, hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Dahil sa pagnanais kong makita at mapuntahan ang mundo ng mga mortal ay nilabag ko ang ating batas at agad akong nagtungo sa Earth, sa mundo ng mga mortal, ng hindi man lang pinag-isipan kung ano ang magiging kinalabasan ng aking ginawa sa ating planeta at sa mga kaharian nito." Paliwanag ni Prinsesa Cassiopeia habang tumutulo ang kanyang mga luha. "Kasalanan namin ito dahil pumayag kami at sumama kay Prinsesa Cassiopeia." Ang tugon ng dalawang Diyosa at ni Mequervax. "Ang dalawang Diyosa ay walang kasalanan rito, dahil sila ay kalahating mortal kaya maaari silang magtungo sa Earth." "Dahil anak kita Prinsesa Cassiopeia ay papatawarin kita ngunit sa isang kondisyon kailangan mong bumalik sa kaharian ng mga mortal at hanapin mo ang iyong singsing. Ang dalawang Diyosa at ang iyong alaga na si Mequervax ang tutulong sa iyo sa paghahanap, kailangan mo itong mahanap dahil pag hindi mo ito matagpuan makukulong ka at pagsisilbihan mo ang lahat ng mga immortal," ang sabi ni Haring Cepheus. Agad na nagtungo ang apat sa kaharian ng mga mortal upang hanapin ang mahiwagang singsing, nang makarating sila sa Earth ay hinanap nila ang mahiwagang singsing gamit ang kanilang mga kapangyarihan. Si Mequervax ay agad na nag-anyong tao at nagtanong siya sa mga mortal. "May nakita ba kayong singsing na crystal na may palamuting ginto at ito ay kumikinang?" "Wala." Sagot ng isang mortal. Hanggang sa may nakita silang isang babae sa hindi kalayuan sa lugar kung saan sila ay naglakad ng nawala ang mahiwagang singsing, hinahanap nito kung sino ang nagmamay-ari ng singsing na napulot niya. Agad na lumapit si Prinsesa Cassiopeia sa babae at sinabi niyang ang singsing na ito ay pag mamay-ari niya. Ibinigay ng babae ang mahiwagang singsing kay Prinsesa Cassiopeia. Humanga ang tatlo sa kabutihan ng babae. Agad na nagtanong si Prinsesa Cassiopeia sa babae, "maari bang malaman ang iyong pangalan?" "Ang pangalan ko ay Elle Guevarracx," ang sagot ng babae. "Ako si Cassiopeia, siya si Lyra, Phoenix at Mequervax ang aking alaga,” si Mequervax ay naka-anyong hayop at hindi nagpahalata ang apat na sila ay mga immortal. "Maraming salamat sa iyong kabutihan Elle Guevarracx, mahalaga ang singsing na ito". "Walang anuman, ikinagagalak ko na makilala kayo." Tugon ni Elle." Naging mag kaibigan ang mga Diyosa, ang prinsesa, ang alaga nitong si Mequervax at ang mortal na tumulong sa kaniya. Masaya ang lahat na nag-uusap, nang tignan ni Prinsesa Cassiopeia ang kanyang mahiwagang singsing ay nagulat siya dahil nawawala ang isa nitong palamuti. Tinanong nila si Elle kung bakit nawawala ang isang palamuti nito. "Ikinalulungkot ko pero nakita ko ang singsing na ito sa daan na natamaan ng malaking bato na nahulog mula sa mataas na bundok, nakita ko ang pangyayari." Ipinaliwanag ni Elle Guevarracx ang nangyari. "Habang ako ay naglalakad pauwi sa aming tahanan nakita ko ang isang malaking bato na nahulog at biglang may umilaw sa kinabagsakan nito kaya agad ko itong tiningnan at nakita ko ang singsing na ito. Alam kong mahalaga ang singsing na ito dahil napakaganda nito, kaya hinanap ko ang nagmamay-ari ng singsing. Lagi akong naglalakad sa daan kung saan ko ito napulot, umaasa ako na baka sakaling mahanap ko ang nagmamay-ari ng singsing at dumating ka nga." Sabi ni Elle at tinignan si Cassiopeia sa mata. Humanga ang lahat dahil sadyang mabuti ang kalooban ni Elle kahit na ang singsing na kaniyang napulot ay napakaganda at ang lahat ay siguradong nais na makuha ang singsing na ito sa oras na makita nila ang kagandahan nito. Pero si Elle ay kakaiba sa kanilang lahat dahil mas pinili niyang hanapin ang nagmamay-ari nito kaysa gamitin o ibenta para magkaroon ng maraming salapi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD