EnjoyReading:) Shan's POV "H-hon wag naman ganito." Umiiyak na pakiusap sa akin ni Chelsey. Nakikipaghiwalay na ako sa kanya. Maling mali na pilit ko siyang pinipili dahil puno ako ng galit kay Ella. Una palang maling mali na ang makipagrelasyon sa kanya. Kahit nga may relasyon kaming dalawa ay iba't ibang babae padin ang inuuwi ko sa bahay. Mahal na mahal ko si Ella, huli man ng maramdaman ko ulit ito. Pero pilit ko naman gustong bumawi sa lahat ng mga kagaguhang ginawa ko kay Ella. "Chelsey, I'm sorry kung nadamay ka pa sa magulo kong buhay." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Kasalanan ko kung dinamay ko pa siya. Kinuha ko yung mga damit ko sa closet namin sa condo na binili ko sa kanya. Iiwan ko na sa kanya ang condo. Ayaw ko naman na paalisin siya at kung saan nalang siya pu

