Enjoy Reading:) Ellaiza's POV Pagkagising ko kinaumagahan naligo ako agad at bumaba para maghanda ng umagahan namin nila James. Mabigat ang loob ko at masama ang loob sa sarili dahil sa ginawa ko kay James. Ako pa ang may ganang makaramdam ng ganoon. Wala namang ginawa 'yung tao kundi pasayahin ako at alagaan. Gusto kong bumawi dahil feel ko na niloloko ko si James dahil si Shan ang iniisip ko kagabi pa. Hindi deserve 'yun ni James. Hindi ko na uulitin ang bagay na 'yun. Hinding hindi na. Pagkatapos kong magluto, naghain na ako sa mesa namin. Simpleng almusal lang naman ang inihanda ko. Napangiti ako ng matapos ko ng ihain. Ready ng kainin at purihin. Sila James nalang ang kulang. Umakyat na ako sa second floor para pumunta ang mag-ama ko sa kwarto ng anak namin. Sanay naman na si

