Chapter 01

1569 Words
EnjoyReading:) Ellaiza POV "TANG *NANG BABAE ASAN KA?!" Sigaw ng asawa ko sa baba. Oo asawa. Kasal na ako, limang taon na akong kasal sa mahal na mahal kong asawa. Kahit minsan ay hindi niya pinaramdam na asawa niya ako. Shan Arvy Clemente "PUTANG *NA NASAN KABA?!" Galit na galit na tanong ni Shan. Kaya nagmadali akong nagpakita sa kanya. Mabilis naman ako bumaba. Kasi naman eh maglilinis ako ng Cr. "E-eto na." Sabi ko at pumunta sa harapan niya. Lasing nanaman siya. Pero ang aga pa. 'Di ba may pasok dapat siya sa opisina nila bat nag iinom siya? Minsan ay hindi ko siya maintindihan. "HINDI MO BA ALAM KUNG ANONG ARAW NGAYON?! PUTANG *NA KA TALAGA, WALA KANG KWENTA. DEAD ANNIVERSARY NILA DAD NGAYON!" Sigaw niya sa akin kaya napabuntong hininga ako. Sinampal niya ako at sinabunutan. Oo, lagi niya akong binubugbog. Hindi naman siya ganito dati. Masaya naman kami eh. Masayang masaya kami. Mahal na mahal naman talaga niya ako eh. Pero nagbago ang lahat lahat ng nangyari ang aksedente tatlong taon ng nakakalipas. "A-aray S-shan m-masakit." Umiiyak na sabi ko kay Shan. Sigaw ako ng sigaw ng bigla niya akong pinunta sa basement. Madilim dun madilim! Hindi please! "S-shan wag n-naman g-ganito." Umiiyak na sigaw ko. Mahal na mahal ko siya kaya natitiis ko lahat ng pananakit niya sa akin. Dahil alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya. Pero pinagbabayaran ko naman na eh. Buong buhay ko tutok na tutok naman ako sa kanya. Walang araw na pinagdasal ko na sana mapatawad na niya ako, na magsimula kaming muli. "M-MINAHAL N-NAMN K-KITA EH! B-BAKIT K-KAILANGAN M-MONG G-GAWIN SA AKIN YUN?! B-BAKIT KAILANGAN MONG P-PATAYIN ANG MGA MAGULANG KO?!" Umiiyak na sigaw ni Shan sa akin. Hindi ko naman kasalanan. Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko. Sising sisi na ako pinagbabayaran ko na 'yun sa mga ginawa mong paghihirap sa akin! Gusto ko isigaw sa kanya 'yun, na pinagsisisihan ko naman na ang lahat. "S-shan p-please." Umiiyak na pakiusap ko. "HINDI AKO ANG NAKAUNA SAYO PERO TINANGGAP KITA! K-KUNG A-ALAM KO L-LANG NA M-MALANDI K-KA TALAGA, H-HINDI KO N-NA SANA PINULOT ANG BASURANG GAYA MO!"---sigaw niya sa pagmumuka ko. Ang sasakit ng mga salitang natatanggap ko sa kanya. Pero wala akong magagawa mahal na mahal ko siya at hindi ko alam ang salitang 'Ayoko na.' hinding hindi ko isusuko si Shan, kahit sobrang sakit na. Katulong lang talaga ang nanay ko sa kanila. Ako naman nag-aaral ako sa probinsiya pero noong nagcollege ako du'n na ko tumira at tumutulong sa mansyon nila Shan. Ayaw talaga sa akin ng magulang ni Shan, pero mahal ko si Shan at minahal niya din ako. Pero hindi ko naman alam na ganito pala ang kabayaran sa lahat. Oo, hindi siya ang nakauna sa akin dahil hindi ko naman kilala kung sino ang gumalaw sa akin. Nagbar lang kami nun kasi nilibre niya ako kaso nalasing ako at hindi ko na alam kung sino ang nagkama sa akin. "DYAN KA! DYAN KA NABABAGAY PUTA KA! SANA NGA SINUNOD KO NALANG SI MOMMY AT DADDY NA WAG KANG PAKASALAN. MALANDI KA! MALANDI KA!" Sigaw niya at sinarhan ako. Patuloy lang ako sa pag iyak. "Hey Ella you can do it. Mas malala pa dito ang ginagawa niya sayo noon. Bukas papalabasin ka na niya dito. Kaya mo pa! Tandaan mo lahat ng tao may kakayahang magbago. Dadating yung araw na mahal ka niya ulit at ipaparamdam ulit sayo yung gaano ka niya kamahal. Araw araw ka niyang ipagluluto gaya ng dati. Hindi na siya mambababae at ikaw lang ang papasayahin. Bubuo kayo ng pamilya gaya ng pinangarap niyo noon. Magiging reyna ka ulit sa puso at kaluluwa niya. Mamahalin ka niya ulit laban lang." Mas pinapatatag ko ang sarili ko. Nang bumukas yung pintuan. Ngingiti na sana ako ng makita kong may hawak siyang kadena at malaking flashlight. Wala kasing ilaw dito, pinatanggal ni Shan. Gagawin nanaman niya 'yung ginawa niya sa akin dati. "S-shan, a-ayos na g-ganito n-nalang D-dito na a-ako matutulog." Umiiyak na sabi ko. "Bagay lang naman maging aso ka. Kung kani-kanino kalang naman nagpapatira, hindi ba?" Tanong sa akin ni Shan. Iyak lang ako ng iyak. Hindi naman ako makalaban at hindi ko gustong lumaban. Nawala lang naman yung virginity ko sa 'di ko kilalang lalaki. Pero pagkatapos nun, si Shan nalang ang gumalaw at gusto kong gumalaw sa akin. Hindi naman ako ganon na tao eh, hindi ako ganon na babae. Tinali na niya 'yung leeg ko at nilagyan na niya ng padlock at ngayon nakatali na ako na parang aso. Please naman pagbaguhin mo na si Shan. Mahina kong dasal. Masakit na po. Sobrang sakit na! "Hindi ka pwedeng sumuko. Oo, tama, Ella! Malakas ka, ipakita mo sa kanya na kaya mo at mahal mo siya. Ipakita mong hindi mo siya susukuan." Umiiyak na kausap ko padin sa sarili ko. "Anak alagaan mo ang asawa mo ah. Mahalin mo siya at irespeto. Wag kang gagawa ng mga bagay na makakapagpawala ng respeto sayo ng asawa mo. Mahal na mahal kita anak. Sana maging masaya ka." Sabi ni nanay bago siya ma-aksidente at mamatay. Pag nandito pa 'yung mama ko, sure akong hindi 'yun papayag na may-aapi sa akin. Simula 'yung nangyari 3 years ago hindi ko na kilala ang sarili ko. Wala na yung matapang at palaban na babaeng kinakatakutan ng mga kaibigan ko. Wala na ang Ellaiza na 'yun. "Iwan mo na kasi yang asawa mo! Look at yourself, hindi na kita kilala! Nasaan ang Ellaiza na maraming taga hanga. Tignan mo ang sarili mo sa salamin. Dati-rati sunod ka sa uso ngayon naman halos napag-iwanan ka naman na! Tumira ka na muna sa bahay, grabe! Sasapukin ko talaga yang asawa mo!" Galit na galit na sigaw ni Amber. Hindi ko naman kaya. Bestfriend ko siya. Parehas kaming teacher, parehas nading kasal. Ang kabaliktaran lang, mahal na mahal siya ng asawa niya kahit may pagkalokaret si Amber. Nagugutom na ako! May pasa pa akong hindi gumagaling tapos meron nanamang bago! Pumikit nalang ako para magpahinga. Hindi pa ako nag aagahan at hindi padin ako nagtatanghalian dahil naglilinis ako. Sana naman kumain muna ako ng madami para naman hindi ako gutom na gutom ngayon. Naalala ko nanaman yung sinabi ni Amber noon. "Matagal ka ng pangarap ni James. 'Kala ko magiging masaya ka kay Shan na 'yan! Wala ka naman kasalanan! Buong sarili mo tinuon mo dyan sa marriage niyo, tapos wala siyang tiwala sayo? Putang *na niya! Ikaw naman nasaan na 'yung sinabi mo sa akin na sa oras na saktan ka ng asawa mo eh, iiwan mo siya?! Ano ah, masarap ba ah?! Masarap bang kainin ang sinabi mo sa akin dati?!" Humagulgol ako ng napaka lakas. Nang biglang bumukas yung pinto ng basement. Si Nanay Agnes. Kaibigan ng mama ko na naging pangalawa ko nading magulang. "N-nay." Tawag ko sa kanya at iyak lang ng iyak. Wala na 'kong ibang kakampi sa loob ng bahay na ito, kundi siya lang. Nagiisa siyang natirang katulong dito sa bahay namin ni Shan. Sinesante lahat ni Shan maliban kay Nanay Agnes, dahil gusto niya akong pahirapan. "Jusko Naneng!" Nag-aalalang sabi ni nanay at humahangos na pumunta sa gawi kong na may hawak siyang malaking Flashlight. May dala 'din siyang PAGKAIN! Umupo siya sa harap ko at hinawakan niya ako sa mga pisngi ko at umiyak. "A-anak iligtas mo na ang sarili mo. Umalis kana sa puder ng asawa mo. Hindi na siya ang dating Shan, anak." Umiiyak na sabi niya sa akin. "N-nay, binugbog n-na-naman p-po n-niya ako, pinagsalitaan n-ng mga m-masasakit n-na s-salita. N-nay, w-wala naman po a-akong k-kasalanan diba?"---umiiyak na sumbong ko. "Shh Alam ko Anak. Alam na alam ko. Pasensiya kana kung nakalimutan ko kung nasan na yung mga ibedensiya na hindi ikaw ang may kasalanan." Umiiyak din na sabi niya. May mga nakuha kasi siyang video na nagpapatunay na wala akong kasalanan, kaso nawala niya yata dahil hindi na niya alam kung saan niya nalagay o kung natapon niya. Dahil may katandaan na din si Nanay Agnes. Tumango ako tapos pinakain na niya ako, sinubuan pa niya ako at ginamot ang mga sugat ko. Wala nanaman 'ata si Shan. "N-nay, si Shan po?" Umiiyak na tanong ko kay nanay. Malungkot naman siyang yumuko. "May pumuntang sexy na babae dito kani-kanina lang, Naneng at p-pumunta sa k-kwarto niyo." Pabulong na sabi niya sa akin. Nagpapunta nanaman siya ng babae dito. Bigla nalang akong humagulgol. Paulit ulit nalang. "A-anak sabihin mo lang sa akin k-kung gusto mo ng umalis dito. T-tutulungan kita. B-bata kapa, anak, madami kapang mararating. Wag mong bulukin ang sarili ko sa buhay na meron ka dito ngayon. Para kang nasa impyerno anak." Malungkot na sabi niya sa akin. Salamat dahil meron pa akong kakampi dito sa bahay. Kahit paano ay hindi ko iniisip na mag-isa lang ako. Ngumiti ako kay nanay At sinabi ang lagi kng sinasabi sa kanya. And this is my Painful life. "Kaya ko pa po, Nay." Please READ, VOTE & COMMENT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD