Pregnancy Test Chapter 39 Winter Pov. Matapos ng pag-uusap naming iyon ni Philip. Hindi na muli akong nagsalita ukol sa ibang nangyari at pinagdaanan ko. Alam naman niya kung gaano ka-importante sa akin si Lola at nasisiguro ko'ng may ideya na ito. Lumisan ako ng apartment dahil sa kanya ng araw na iyon. Pinuntahan ko si grace at sinabing may pupuntahan lang ako. Hindi ko na sinabi kung saan ako pupunta dahil na rin sa pagmamadali. Ayoko na munang makausap si Philip, siguro naman ay sapat na sa kanya lahat ng sinabi ko. Hindi ko na kailangan pa'ng isalaysay lahat ng pangyayari. _____ Mainit ang sikat ng araw matapos ko'ng marating ang dating village kung saan nakatirik noon ang tinitirhan namin. Hindi naman ako umaasang makikita pa ang dating bahay ngunit nakapagtataka lamang na n

