(The News)
Winter Pov.
Sa kakapusan ng aking hininga dahil sa kanyang ginawa. Tuluyan na nitong itinigil ang panghahalik sa akin, nakangisi siyang humiwalay at muling pinaloob ang mga butones na binuksan niya kanina. Napalunok ako, nag-iinit ang aking mukha hangga sa matapos siya. Kinagat nito ang pang-ibabang labi bago muli akong tingnan.
”Sisilipin ko lang si mommy kung nasa labas pa siya.” wala sa sariling napatango ako, binuksan na nga niya ang pintuan ng cabinet. Bago siya lumisan, hinawakan nito ang kamay ko at tinulungang lumabas kung saan kami nagtago. ”Locked the door.” utos niya habang tulala lang ako ng nakatayo, lumabas siya ng kwarto at gaya ng sabi niya. Nilock ko nga ang pinto, wala sa sariling napaatras ako paupo ng kama niya.
Napapalunok pa ako habang unti-unting nawawala ang pawis sa aking katawan dahil nga sa aircon na nasa kwarto niya.
Hindi ko alam kung matatapos pa ba kami dito sa ginagawa namin. Nakakaramdam na kasi ako ng hiya at hindi ko alam kung magiging maayos ba ang sarili ko habang kaharap siya.
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang palad ko, nag-iinit pa rin iyon dahil biglang sumagi sa isip ko ang ginawa niya kanina. Napasuklay ako sa buong buhok ko na tinuyuan ng pawis, hindi ko akalain na ganon pala ang pakiramdam ng bagay na iyon. Hindi ko masabi at maipaliwanag dahil kakaiba talaga, nagustuhan iyon ng katawan ko na halos hindi ko maisip na muntik ng bumigay lahat ng katinuan ko. Magpapasalamat ba ako dahil malaki talaga ang respeto niya at hangga doon lang ang ginawa niya sakin.
Napaigtad ako ng may kumatok sa pinto. Dahil narinig ko ang boses ni ashong, mabilis na binuksan ko iyon na halos hindi makatingin sa kanya ng diretso.
”Wala na si mommy.” anas niyang balita at tuluyang pumasok ng kwarto. Sinara niya ang pinto na nagpalunok sa akin. ”Gusto mo bang kumain o mag miryenda na lang muna dito?”
”I-ikaw ang b-bahala.”
”Hindi ka ba nagugutom?”
Umiling ako. Hindi ko alam kung nagugutom o busog ako, hindi ko maipaliwanag dahil naiilang ako. ”Bakit namumula ang pisngi mo?” matunog ang paghalakhak niya matapos nitong itanong iyon, nais ko siyang samaan ng tingin ngunit mas nananaig ang kahihiyan sa aking sistema.
”I-inaasar mo ba ako?”
“No.” muli'y natawa siya. ”Hindi ka ba kumportable? Naiilang ka ba?”
Nag-iwas ako ng tingin matapos niya akong yukuan. ”H-hindi..”
”Talaga? Hindi ako hihingi ng sorry, gusto ko ang ginawa ko. Your sexy, gorgeous. Baliw na lalo ako sayo.”
”P-pwedeng wag mo ng banggitin pa?”
”Natural lang 'yon, winter. Masasanay ka rin.” ngumisi siya ng tingnan ko ito. Hindi ko magawang magbigay tugon dahil tumungo siya sa lamesang may pagkain at doon sinenyasan akong lumapit sa kanya. ”Kain na tayo.” nagpakawala ako ng mabigat na paghinga. Ginusto ko rin naman iyon kaya hindi ako umangal, hindi ko lang talaga kayang maging kumportable tulad niya.
”Gusto pala akong sumama ni mommy sa lakad niya.” anas niya sa kalagitnaan ng pananahimik namin sa pagkain. ”Ayoko naman sumama sa kanya, maboboring lang ako. Mas gusto ko pang makita ka.”
”Tungkol saan ba ang pupuntahan niya?”
”Hindi ko alam, pero mag-aattend siya sa gathering mamayang gabi. Marami siyang pupuntahan ngayon, abala siya at malamang hindi na naman ito makakauwi.”
Hindi ako nagbigay sagot, kung ganon. Siya na naman ang maiiwan dito hangga bukas? Siguro nga ay sanay na siyang umaalis ang mga magulang niya, hindi ko yata maimahe iyon sa akin kung nasa probinsya ako.
Madalas kasi na nakakasama ko sila mama at papa, kung sabagay. Farm lang naman ang trabaho nila, hindi naman sila tulad ng magulang ni ashong na bigating CEO.
Napabuntong hininga ako.
Dahil hindi nga ako naging kumportable, nagdesisyon akong magpahatid na lang. Hindi ako pinilit ni ashong na mag stay sa bahay nila dahil nga alam niyang naiilang ako sa nangyari.
Bago kami dumiretso sa bahay, ibinili niya ng prutas si lola at ilang miryendang gawa sa bakery. Hindi na ako tumanggi pa, siya naman kasi ang nagmamaneho ng kotse at siya rin ang lumabas upang bumili. Wala din naman ako magagawa kung aayawan ko ang mga ibinibigay niya kay lola. Madalas naman niyang gawin iyon, nasanay na yata si lola kung kaya't nang i-abot ni ashong ang pasalubong nito ay ngumiti siyang nagpasalamat.
”Akala ko mamayang gabi pa ang uwi n'yo.” ani lola matapos ilapag ang binili ni ashong sa lamesa.
”Nagpatulong lang po ako kay winter na ayusin ang kwarto ko, tulad nang disenyong nasa silid niya.”
”Natapos naman ba ninyo?”
Tumango si ashong. Pumasok ako ng kusina at doon kumuha ng malamig na tubig. Medyo kumalma na ako dahil nakaalis na ako sa bahay nila ashong, hindi ko lang talaga makalimutan ang nangyari kanina.
Lumabas ako dala ang pitsel at baso, inabutan ko si ashong ng tubig na mabilis naman nitong kinuha. Napatitig ako sa kanya habang umiinom ito ng tubig, ang pag galaw ng bukol nito sa leeg ay halos masundan ko. Hindi ko namalayang inaabot na pala sa akin ni ashong ang baso na ngayo'y ngising ngisi dahil sa pagkakatulala ko.
Umirap ako matapos kong kunin ang baso, pumasok ako ng kusina at muling ibinalik ang pitsel sa ref. Paglabas ko, nagpaalam ako kay ashong na kailangan ko ng maligo. Hindi rin naman ako naghintay ng sagot niya dahil alam kong aalis na rin ito.
Dumiretso ako ng banyo dahil may nakareserbang tuwalya naman doon. Wala kasing sariling banyo ang kwarto ko, nasa ilalim ang banyo ng bahay malapit sa hagdan. Hindi tulad sa silid ni ashong na may sariling banyo at kung ano-ano pa, mayaman nga kasi sila.
Napailing ako, marami akong napapanood noon na drama sa tv na mayaman nga ang lalake at mahirap ang babae. At dahil sa stado ng babae, hindi pabor ang mga magulang ng lalake sa relasyon nila. Parang nangyayari ngayon sa akin ang mga napapanood ko, at ang pagtatapos nito ay hindi nagkatuluyan ang bida dahil nga ikinasal siya sa ibang babae.
Mabilis na nagbuhos ako ng tubig gamit ang tabo, halos ubusin ko ang tubig na nasa balde kahit hindi pa ako nagsasabon o nagshampoo man lang. Nainis lang kasi ako bigla sa naisip ko, mangyayari din ba sa amin ni ashong iyon?
Hindi ba kami magkakatuluyan sa bandang huli?
Mariin na napapikit ako, binilisan ko ang pagligo dahil nais ko na lamang magbasa ng libro upang malibang. Tiyak na mawawala rin sa isip ko ang nangyari kanina at magiging maayos rin ang lahat ng problema namin ni ashong.
Paglabas ko, nakatapis lang sa akin ang pink na tuwalya. Bagsak ang basa kong buhok dahil kulang ang dala ko, ngunit hindi agad ako nakakilos ng makita ko pa rin si ashong na nakaupo sa sala. Dahil open lang ang bahay at wala naman partesyon, kitang kita niya akong lumabas ng banyo.
Namilog ang mata ko habang nakatingin sa kanya, wala naman siyang sinabi kundi bahagyang bumukas ang bibig niya.
”B-bakit nandiyan k-ka pa?” nauutal ako, ewan ko ba kung naintindihan niya ang sinabi ko dahil hindi siya sumagot. Nakatingin lang talaga siya sa akin kaya't mabilis na umakyat ako ng hagdan.
Nagmamadali akong pumasok ng kwarto dahil nadagdagan na naman ang kahihiyan ko. Hindi naman ito ang unang beses na makita ako ni ashong na nakatapis lamang ng tuwalya, dalawang beses na noong madalas na dumadalaw siya dito ng walang pasabi.
Ngunit hindi talaga ako sanay, dahil babae pa rin naman ako at may kahihiyang ipakita ang ganoong ayos ko.
Halos kalahating oras ako na nakaharap sa salamin, nakapagbihis na ako lahat ngunit hindi pa rin ako lumalabas. Iniisip ko kung aalis ba si ashong kung hindi ako lalabas, ngunit nakokosensya rin ako sa kaisipang baka naghihintay pa rin siya sa ibaba hangga ngayon.
Naisipan kong buksan ang pinto upang bumaba na. Isang pulang pajama ang suot ko at puting tshirt, nakalugay lang ang buhok ko dahil ayaw ni ashong na nakatali iyon. May saltik talaga siya, ang daming nakikitang kung ano sa katawan ko.
Inaasahan ko nang umuwi na si ashong dahil pasado ala una na ng tanghali. Ngunit nagulat ako ng makita ko pa itong nakaupo sa sala habang kausap si lola, pinagsasaluhan nila ang egg pie na binili niya kanina at mukhang nakakatawa ang pinag-uusapan nila dahil sa tinig ni ashong.
Nakita ako ni lola na nakatayo sa bungad ng hagdan, napasulyap na rin sa akin si ashong na ngayon may magandang ngiti. Tila hindi man lang kakikitaan ng inip kahit wala ako kanina, kung sabagay. Marami naman alam na ikwento si lola at paniguradong hindi ka maiinip kung siya ang kausap mo.
”Bakit ang tagal mo naman sa itaas? Kanina pa naghihintay ang nobyo mo dito.” nag-iwas ako ng tingin, wala din akong nagawa kundi lumakad palapit sa kanila. Naupo ako sa tabi ni lola imbes sa side ni ashong, maayos naman na ang pakiramdam ko. Ngunit ayoko na munang tumabi sa kanya.
”Nakainom na po ba kayo ng gamot ninyo?” tumango si lola.
”Kumain na ako, inimbitahan ko nga itong batang 'to ngunit tumanggi. Hihintayin ka daw.”
Nilingon ko si ashong. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala siya kumakain, bukod tanging mga streets food lang ang kinain namin kanina at hindi pa siya kumakain ng tanghalian.
”May pagkain sa kusina, kung gusto mong initin. Isalang muna.” wala sa sariling tumango ako, tumayo rin ako upang initin ang pagkaing nasa kusina. Sinabawan sa tinola ang niluto ni lola, matapos kong initin iyon ay hinapag ko na sa lamesa ang pagkain.
Si ashong rin ang kusang lumapit at hindi na hinintay pang imbitahan ko ito. Lumakad siya papasok ng kusina upang kumuha ng plato at kubyertos, sabay kaming lumabas ng walang imik ngunit nakamasid ito sa bawat kilos ko.
Nasa sala pa rin si lola at inaabala ang sarili sa pagkain nito. Nakita kong tumayo siya at sinindihan ang maliit na tv sa sala, napalunok ako ng makitang drama ang palabas. Isang romance na serye at saktong nasa kissing scene ang mga bida na nasa programa. Nilingon ni ashong ang tinitingnan ko, hindi rin nagtagal ng ngumisi siya bago nito kurutin ang pisngi ko.
”Kumain na tayo.” nag-iwas ako ng tingin, tumabi talaga siya sakin at kakikitaan mo ito ng sobrang panatag at kumportable kung kumuha ng pagkain.
Hindi man iyan naiilang, di tulad ko na hindi alam kung matatapos ko ba ang pagkain ko.
”Naiilang ka pa rin ba?” nahinto ako panandalian ngunit hindi rin naman sumagot. Nagpatuloy ako sa pagkuha ng sabaw at hindi rin siya nilingon. ”Gusto mo na bang umuwi ako?”
”Wala akong sinabi.” sagot ko, nananatiling iwas ang tingin.
”Maiinip lang din naman ako sa bahay, mamayang gabi ng lang ako uuwi. Dito na lang ako maghahapunan, kung ayos lang sayo.” napamura ako sa isip. Siguro nga dapat ko ng kalimutan iyon, parte pa talaga iyon ng relasyon? Ngunit alam kong tama si ashong, kasama nga sa relasyon ang pagiging mapusok. Hindi lang talaga ako nasanay dahil isang beses lang naman ako nahalikan ni calix, at umiwas pa ako ng mangyari iyon. Kaya halos si ashong lahat ang humalik at kauna-unahang humawak sa akin.
”Halatang hindi ka kumportable, bukas na lang tayo magkita. Matutulog na lang siguro ako sa bahay.” hindi naman siya nagtutunog nagtatampo. Maayos naman ang boses niya at hinihintay talaga niya ang pagsagot ko.
Bumuntong hininga ako.
”Kung gusto mo naman manatili dito, pwede naman ashong.”
”Ayos lang sayo?”
”Bakit hindi? Paniguradong kukulitin mo lang din naman ako sa cellphone.” natawa siya.
”Alam na alam mo talaga?”
”Tsk, Kilalang kilala na kita. Kumain ka na diyan, maglalaba ako mamaya. Manood ka na lang.”
”Pwede naman kitang tulungan.”
”Sus, iyang kamay mo. Hindi sanay humawak ng sabon panlaba, atsaka. Ang mga washing dito, pambabae lang. Hindi para sayong lalake.”
”Grabe, kaya ko naman maglaba! Judgemental”
”Talaga? Si yaya corazon lang din naman naglalaba ng damit mo, nakita ko nga kanina na sinasampay nito ang brief mo!”
Natigilan siya, tumitig siya sakin at kalaunan ay nangisi. ”Bakit yung brief ko ang tinitingnan mo? Ikaw ha, naninilip ka!” pinanlakihan ko siya ng mata.
”A-anong n-naninilip!” nauutal ako dahil ngayon ko lang napuna ang sinabi ko, pero totoo naman. Sinisipit talaga ni yaya corazon ang brief niya kanina, maging yung ilang boxer nito sa likurang bahay nila ay nakasampay doon.
”Tsk tsk, huli ka na.” umiiling siya bago lumapit sa tenga ko. ”Gusto mo bang malaman kung anong brand ng brief ko?” lumayo ako at idinuro sa kanya ang kutsara.
”Kumain ka na nga lang!”
“Bakit ba nagsisigawan kayo?” kapwa kami napalingon kay lola. ”Itong dalawang batang 'to! Magkalapit lang kayo pero ang lalakas ng boses niyo, hindi ko tuloy maintindihan ang pinapanood ko.”
"Sorry po.” kinagat ni ashong ang labi, muntik ko pang makalimutan na sinusubaybayan pala ni lola ang dramang yan. Ang pilyo kasi ng lalakeng ito sa totoo lang!
_______________
NANG araw na 'yon, ginabi na nga ng uwi si ashong dahil nasabi niya rin na wala naman siyang makakasama sa bahay kundi si yaya lang. At sigurado lang din naman na mag-uusap lang kami sa cellphone at wala akong ibang magagawa kundi humilata.
Nakapaglaba ako nang araw na 'yon habang nanonood sa akin si ashong, syempre hindi ko nilabhan ang mga undies ko dahil nahihiya akong ipakita iyon. Itinabi ko ang mga iyon sa loob ng banyo at sa susunod na araw na lang lalabhan.
KINABUKASAN, dahil may dalawang linggo ang practice para sa graduation. Maaga akong tumungo ng fatima kahit na sinabi ni ashong na susunduin niya ako. Ngunit nagreply ako sa kanya at sinabing nasa fatima na ako kahit papunta pa lang ako.
Alam ko naman na maraming magiging bulungan sa oras na sabay kaming papasok. Iyon kasi ang nangyayari na hindi ko nais marinig ngayong umaga.
Maganda pa naman ang gising ko, kakaiba ang mood ko at talagang maayos ang ekspresyon ng aking mukha.
Dumiretso pa muna ako sa library upang ibalik ang mga limang libro na nahiram at natambak sa bahay. Ngumiti pa ang librarian sa akin at binati ako kahit hindi pa naman tapos ang graduation.
”Wala ng masipag na maghihiram ng libro dito.” ngumiti ako.
”Meron po iyan, next year.” muli'y ngumiti siya. Hindi ko inaasahan na may i-aabot siya sa aking isang libro na paukol sa kurso ko.
”Sa'yo na 'yan, alam kong magagamit mo iyan sa pagrereview mo sa exam.”
”S-salamat po.” kinuha ko ang libro, kahit naging masungit siya sa akin noong una. Naging mabait naman siya ng paunti-unti sa akin dahil madalas na tumungo ako sa library noon.
Matapos kong magpasalamat, inigay ko ang libro sa bag at dumiretso ng cafeteria upang bumili ng candy dahil sinisikmura ako sa ininom kong kape kanina.
Sa haba ng pila dahil mag-uumpisa na ang practice, halos maging maingay ang paligid. May naririnig pa akong nag-uusap sa likuran ko na biglang umani ng batikos sa mga nakikinig.
”Engage na pala si philip.” ani ng babaeng hindi ko mapangalanan ang boses. Hindi ako lumingon, nanatili ako sa pila kahit na ang mga kasunod ko ay nag-react sa sinabi niya.
”Talaga? Sa girlfriend ba niya?"
”Hindi, sa isang anak ng patria. Mayayaman sila, anak siya ng isang bussiness man!”
”Wow, kung ganon. Hindi iyon magtatapos ng education ang fiancee niya?”
"Hindi! Ang kapal naman ng mukha niya, inagaw lang naman niya si philip sa pinsan niya! Deserve naman ni philip na mapunta sa tulad niyang mayaman!”
”Oo nga!”
”Dapat lang 'yon!”
”Masyado kasing ambisyosa!”
Napalunok ako, hindi ko namalayang wala na pala ang mga nasa harapan ko kaya't ang sama ng tingin sa akin ng tindera.
”Ang daming nakapila! Bakit ang bagal mo!” sigaw ng tindera.
Nagtulakan sila sa likuran dahilan upang matamaan ako, napaupo ako habang iniisip ang sinabi nilang balita.
”Pipila pila hindi naman pala bibili!” mabilis na tumayo ako, hindi nila ako nakilala kung kaya't lumisan na ako sa pila. Ngunit bago ako makaalis narinig ko pa muna ang sinabi ng isang babae.
”Na-interview kahapon ang mommy ni philip, sinabi nito sa medya na ikakasal na ang anak niya. Kaya nalaman ko na engage ito, panoorin niyo sa youtube!”
Napalunok ako, ngunit para lang may nagbarang bato roon na naging sanhi upang huminga ako ng malalim.
Tuluyan na nga akong lumakad at umalis bago pa nila ako makilala.
************
To be continued...
Umpisahan na ang iyakan, char