(Decisions And Letting go)
Winter Pov
Nasa Kwarto pa rin ako matapos kong mabasa ang naging resulta ng exam kanina.
Hindi ko akalain na magkakaganoon bigla, hindi pumasok sa isip kong babagsak ako at unti-unting maglalaho lahat ng pinapangarap ko sa isang iglap lang.
Wala akong ibang maisip kung bakit at paano nangyari ang bagay na iyon. Alam ko naman sa aking sarili na pinaghandaan at minabuti ko ang exam na iyon, doon nakasalalay ang aking kinabukasan kung kaya't binuhos ko lahat ng oras ko sa pagrereview araw-araw. Ngunit bakit nangyari ito? Bakit pumalya at hindi ako nasali sa mga pasado?
Hinagod ko ang aking buhok habang nakaupo sa kama. Sa sobrang katahimikan sa loob ng aking silid ay halos naririnig ko ang mabibigat na yapak senyales na may umaakyat ng hagdan. Huminto iyon sa tapat ng aking pintuan, ilang segundo lang din ng marinig kong kumatok ang taong naroon sa labas.
Biglang sumagi sa isip ko si ashong, ngayong araw na ito ay dapat sanang papasa siya sa interview kung hindi lamang ako nagmatigas kanina sa mommy niya. Ngunit dahil sumagot pa ako at malamang na hindi iyon nagustuhan ni mrs angelina, tiyak na may kinalaman ito kung bakit hindi natanggap si ashong sa trabahong papasukan sana niya.
”Winter?” dinig ko ang boses ni ashong bago ito kumatok ng isang beses pa. Humugot ako ng mahabang paghinga bago tuluyang tumayo upang pagbuksan ng pinto si ashong.
Agad nagtama ang aming mata ng sandaling mabuksan ang pinto. Kumpara kanina, maayos na ang mukha ni ashong habang nakatingin sa akin. Ngunit para sa sarili ko, hindi ko na halos masabi kung okay pa ba ako. Masyado ng nanghina ang buong pagkatao ko at tila ba nawalan bigla ako ng lakas humarap sa kanya.
”Huwag mo ng isipin ang tungkol sa trabahong iyon, maraming ibang kumpanya ang mapapasukan ko...” hindi ako sumagot sa sinabi ni ashong, nag-iwas lang ako ng tingin bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko. ”Bakit ba bigla ka na lang umalis kanina? Ayos lang naman ako, hindi iyon big deal sakin.”
”Bakit hindi mo na lang kasi kausapin ang mommy mo?” iwas ang aking tingin matapos kong sabihin iyon. Alam kong nagtataka siya ngayon kung bakit bigla itong lumabas sa bibig ko, ngunit napakahirap kasing itaboy ni ashong palayo sakin, hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano siya sasaktan upang siya mismo ang lumayo sakin, kahit alam kong masasaktan ako.
”What are you talking about winter?” hinawakan niya ang pulsuhan ko ngunit nanatiling hindi ko ito tiningnan. Ayokong tumingin sa kanyang mata, ayokong nagtataka siya sa nangyayari sakin.
”Mas mabuting makipag-ayos ka na lang sa mommy mo, may sarili kang kumpanya. Bakit kailangan mong pumasok sa iba? Doon ikaw mismo ang CEO, ikaw ang siyang magmamando ng lahat at hawak mo ang buong oras mo, nasa sayo kung papasok ka o hindi. Pero sa mga papasukan mo, you need to work almost twelve hours with a small salary, pero doon sa inyo mayaman ka...”
Hindi siya sumagot sa sinabi ko, mabilis ang aking paghinga habang nararamdaman ang pagluwang ng kamay niya sa pulsuhan ko. Unti-unti nga niyang pinakawalan ang aking kamay upang tumungo sa harapan ko, hindi ako tumingin sa kanya kahit na alam kong mariin ang titig niya sa akin ngayon.
”Why are suddenly saying this, winter?" hinawakan niya ang aking baba upang iharap nito ang mukha ko sa kanya. Bahagyang umawang ang aking bibig ng makita kong kunot na kunot ang noo nito habang namumula ang mata. ”Hindi mo naman ako hihiwalayan hindi ba?”
Marahan na napalunok ako sa tanong niya, naguguluhan ako. Hindi ako makapagdesisyon ng tama dahil sa sunod sunod na nangyari ngayong araw, hindi ako makapag-isip ng maayos dahil biglang nablanko ang isip ko sa pagbagsak ko sa LET exam.
”Siguro nga, tama lang naman ang mommy mo. Wala kang mapapala sakin kundi paghihirap lang, hindi siguro tayo para sa isa't isa..” pansin ko ang matinding pag-igting ng kanyang panga, ang awra niya'y kakaiba ngunit iniwas nito ang kanyang paningin.
”Alam kong pumunta dito si mommy, ngunit hindi ko alam na madali ka niyang mapapasuko dahil lamang sa sinabi niya..” hindi ako nakasagot kundi natulala na lang ako sa mukha niya, nakita ba nito ang pagdating ni mrs angelina? Ngunit kung oo, bakit hinayaan lamang niya kaming mag-usap at hindi ito nagpakita?
”Alam kong ipaglalaban mo pa rin kung anong meron tayo, malakas ang kumpyansa kong magiging maayos din ang lahat, pero bakit sumusuko ka?”
Naisara ko ang bibig ng muli itong tumingin sakin. Salubong pa rin ang kilay niya gaya kanina, pero kung susundin nito ang sinabi ko. Hindi na niya kailangan maghanap pa ng trabaho, hindi na nito kailangan humiram ng pera dahil mismong ang mga magulang na nito ang magbibigay ng pera sa kanya. Ang mga nararanasan niya ngayong hirap ay hindi na nito makakamtan pa, magiging masaya muli ito kapiling ng mga kaibigan niya.
”Hindi ako babalik kay mommy, nagpasya na akong huwag hawakan ang kumpanya ng mga magulang ko. Kung kapalit lang naman ay ang makasama ka, kaya kong magsikap..”
”Hindi mo pa naiintindihan, ashong. Hindi ka na makakahanap ng trabaho, nagbanta ang mommy mong hindi ka kailan makakapasok sa ano mang kumpanya, siya ang may pakana nito kaya't bumagsak ka sa interview.”
Natigilan siya sandali, nag-iwas ito ng tingin kung saan humulma ang panga nito na animoy nagalit sa nalaman. Ngunit bumuntong hininga ito kalaunan, muli siyang tumingin sakin bago ito magsalita.
”May ibang paraan pa naman para kumita ng pera, hindi lang sa kumpanya winter. Matutulungan ako ng mga kaibigan ko.”
Napabuntong hininga ako. ”Bakit ba ayaw mong makinig sakin, ashong? Kausapin mo na ang mama mo, ayoko rin naman na nag-aaway kayo ng dahil sakin! Mas mabuting sundin mo na lang kung anong gusto niya, makakabuti 'yon sayo.”
Mariin na umiling ito. ”Ayos lang naman sakin kung hindi kami maayos ni mommy, winter. At wala rin akong planong sundin ang gusto niya, nag-umpisa na akong magbagong buhay. Kaya ko ng itayo ang sarili ko ng hindi umaasa sa tulong nila..”
”Alam kong kaya mo, ang kaso lang. Humahadlang lahat ang mama mo sa plano mo, sa atin. At gagawa siya ng daan hangga sa bumagsak ka, hangga sa gumapang ka sa hirap. Iyon ang hindi ko gustong mangyari, ashong.”
"Kung ganon susukuan muna lang ako, isusuko mo na lang ang lahat? Ang layo na ng narating natin winter, bakit ngayon pa?”
”Dahil mas lalo lang nagiging mahirap ang lahat, ashong. Kahit anong gawin natin, gagawa at gagawa ng paraan ang mama mo para maghiwalay tayo, kung ano na lang ang gusto niya. Iyon na lang ang gawin mo, ayokong nakikita kang nahihirapan, ashong. N-nasasaktan lang ako.”
Sarkasmo siyang natawa dahil sa sinabi ko. ”Kung ganon, sasaya ka ba sa desisyon mong 'yan? Hindi ba masasaktan ka rin? Bakit ba mas inuunan mo ang lahat kesa sa sarili mo? Hindi ba pwedeng maging selfish ka naman kahit minsan?”
”Hindi mo ba kasi napapansin? Kahit anong gawin natin, kahit anong laban natin mauuwi lang sa pagkatalo ang lahat. Ang magulang mo na mismo ang siyang hadlang sa relasyon natin, ashong. Gumagawa na siya ng hakbang upang maghiwalay na tayo. Bakit kailangan pa nating pahirapan ang isa't isa? Ayoko ng dumating pa tayo sa puntong magkasakitan tayo ng todo, kaya umuwi ka na..”
Mabibigat ang paghinga ni ashong habang nakatingin sa akin. Halata sa mata nitong nasasaktan siya maging ang hindi pag sang-ayon sa pasya ko. Ngunit alam kong ito lang ang paraan, ito lang naman ang gusto ng mama niya. Sa oras na layuan ko si ashong, titigil na ito. Hindi na niya pahihirapan pa ng husto ang anak niya at muling babalik sa dati ang buhay ni ashong.
”Hindi ba't masaya ka naman noong hindi pa tayo magkakilala? Noong unang kita ko sayo, masaya ka. Nakukuha mo lahat ng gusto mo at hindi ka ganito, hindi ko na halos nakikita pa ang dating ikaw ngayon...”
”Dahil nagbago ako..” iyon ang siyang sinabi niya sakin. ”Binago ko ang sarili ko para sayo dahil deserve mo ng matinong boyfriend, nagbago ako dahil mahal kita. At kung ano man ang kasiyahang meron ako noon, mas higit na lamang ang nararamdaman ko ngayon, dahil din iyon sayo. Kung gusto mong umuwi ako at kausapin si mommy gagawin ko, pero hindi tayo maghihiwalay, hindi ako papayag...”
Napapikit ako bago mapahilamos sa sariling mukha. ”You didn't deserve a woman like me, philip. Sinasabi ko sayo ito dahil mahalaga ka sakin, masyado kang mataas upang samahan ako sa ibaba. Bumalik ka na sa dating buhay mo, sa dating ikaw. Mag-umpisa kang muli ng wala ako...”
”No, hindi...”
”Ashong naman, nahihirapan ka na. Alam kong ilang kumpanya na ang pinuntahan mo kahit hindi mo pinapaalam sakin, sa tingin mo ba hindi ko napapansin? Sa loob ng dalawang buwan hindi ka nakahanap ng trabaho, walang kumukuha sayo kahit graduate ka at kilala bilang isang falcon, dahil lahat ng yon ay kagagawan ng mama mo!”
”Kakausapin ko siya, winter. Baka pagod ka lang, magpahinga ka. Uuwi ako ngayong gabi, babalik din ako bukas.”
”Huwag ka ng bumalik, ashong. Huwag ka ng pumunta pa dito, ayoko ng may masabing muli si mrs angelina. Para lang din ito sayo, ayos lang ako...”
Tikom ang kanyang bibig habang nakatingin ng mariin sakin. Ngunit umiling din ito bago hawakan ang kamay ko.
”Bakit ba nagdedesisyon ka agad ng ganito? Maayos lang naman tayo kanina, may ibang nangyari ba bukod sa pag-uusap ninyo ni mommy?”
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa katotohanang iyon. Siguro nga dahil iyon sa pagbagsak ko, bigla kong napag-isip na sobrang yaman nga naman ni ashong para mapunta sa isang tulad kong talunan, wala ng mararating sa buhay at mananatili na lamang pasakit sa pamilya.
Hindi lang ang sarili ko ang siyang mabibigo, pati na si lola. Si mama at papa, lahat ng sakripisyo nila ay napunta lang sa wala, hindi rin ako magiging lesensyadong guro. Lahat ng pagod ko ay balewala na, kaya't paano pa ako mananatili sa isang tulad ni ashong, nakakahiya na at baka mas lalo lang akong maliitin ni mrs angelina.
”Tell me what's the problem, winter?”
Nag-angat ako ng tingin rito, hinaplos niya ang aking pisngi na nagdala ng kakaibang emosyon sa akin. Para bang ang isang haplos nito ay biglang pinakalma ang buong sistema ko, lahat ng iniisip ko ay panandaliang nawala. Hindi ko pala talaga kayang saktan ng todo ang lalakeng ito, ako lang lalo ang nasasaktan na nagbibigay sikip sa dibdib ko.
”Im a failure, ashong..” nangunot ang noo nito sa sinabi ko. ”I didn't passed the exam, nabigo ako....”
Natigilan siya sa sinabi ko, matagal na nakatitig ito sa akin bago marahan lumunok.
"R-really?” kinagat ko ang labi bago dahan-dahang tumango. Maging ang emosyon nito'y hinaluan ng lungkot, nakikita ko iyon sa mata niya bago ako nito yakapin at isubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. ”I'm s-sorry, winter. H-hindi ko alam, hindi ko na sana sinabi sa'yo ang tungkol sa interview ko, dumagdag pa ako sa iniisip mo, p-pasensya na..” tumango lang ako na halos pinipigilan ang aking luha. Bakit ba bigla ko na lang naisipang saktan ang lalakeng ito? Siya lang naman ang makakaramay ko sa lahat, at ako lang din ang siyang meron sa buhay niya.
Siguro nga sa parteng iyon ay doon ako naging selfish. Hindi ko man lang inisip na masasaktan siya, bigla akong nagpadalos-dalos ng desisyon.
”Ayos lang naman yan, winter. You can try the next exam. Pag-iipunan ko iyon, tutulungan kita. Huwag kang susuko....” hindi ako umimik, hindi rin naman siya nagtanong kung bakit biglang nagkaganon ang resulta ng exam. Maging ako ay nagtataka, ito ang unang beses na pumalya ako. Nakapanghihina pala ngunit ang mga haplos sa akin ni ashong ang biglang nagbigay ng lakas sakin.
Humugot ako ng mahabang paghinga bago muling tumingin rito. ”P-pasensya na rin, masyado lang akong nabigla. Nablanko ako sa nangyari kanina, hindi ko na rin nagugustuhan ang nangyayari sa'yo, masyado ka na kasing napapagod..”
Tipid na ngumiti siya. "I understand you, winter. Ayos lang 'yon, ang importante okay na tayo, uh? Huwag mo na ulit sasabihin iyon ha? Muntik mo na akong paiyakin...” tumango ako, hinaplos nito ang aking buhok gamit ang dalawang palad bago nito halikan ang aking noo. ”Uuwi ako ngayon, kakausapin ko ng maayos si mommy. Susubukan kong makipag-ayos muli sa kanya...”
”Maging mahinahon ka lang pag kausap mo ang mama mo, huwag mo siyang sasagutin ng ikakagalit niya. Doon ka muna matulog sa inyo..”
”Yes, gagawin ko. Magpahinga ka na, huwag mong masyadong dibdibin ang nangyari, babalik ako bukas okay?”
”Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo.”
Tumango ito bilang sagot, nanatili lang ang tingin niya sakin at halatang may nais sabihin pa.
"Can i stay here for a moment? Gusto kong umalis pag nakatulog ka na, ayoko muna kitang iwan ngayon...”
Bahagya akong natawa. ”Wala naman akong masamang gagawin, ashong. Siguro nga hindi naman laging perpekto lahat ng ginagawa ko, ito na siguro ang oras na mararanasan kong maging bigo...”
Bumuntong hininga siya. ”But you still perfect for me. Makakamit mo rin 'yung goal mo, huwag ka lang hihinto...”
”Alam ko..”
”Hindi naman din ako matutulog, masyado pang maaga. Kailangan kong maglaba muna...”
”Pero ayoko pa rin umalis, pwedeng mamayang gabi na lang?”
”Mas mainam sana kung kausapin mo na ngayon ang mama mo, baka marami itong gustong sabihin sa'yo...”
Nagbaba siya ng tingin bago nito kagatin ang kanyang labi, ilang segundo muna ang lumipas bago ito tumango at muling tumingin sakin.
”Okay, uuwi na ako. Pero babalik din ako mamaya, huwag mo na akong pigilan, pwede ba?” tumango na ako sa kadahilanang wala na akong magagawa. Siguradong pupuntahan rin niya ako kahit na sabihin kong hindi, kilala ko na yata ang lalakeng ito.
”Sige na, lumakad ka na.” tumango ito bago tuluyang magpa-alam, pinatakan niya ng halik ang aking labi at tuluyang lumabas ng silid.
Doon na ako napaupo sa aking kama, ang inipon kong lakas kanina habang nasa harapan ko si ashong, unti-unting natunaw na parang kandila. Nanghina ang buong sistema ko at muling bumalik ang kalungkutan at paghihinayang dahil sa nasayang na pagkakataon.
Hindi ko na namalayang umaagos na ang luha sa aking pisngi, sumikip ang dibdib ko dahilan upang yumuko ako sa aking mga palad. Ngunit may yapak akong narinig na pumasok sa aking silid. Mabilis na nag-angat ako ng tingin, nakita ko si lola na ngayo'y tuluyang lumapit sa kinauupuan ko upang umupo sa aking tabi.
Bumuntong hininga siya habang pinapanood ang pag-iyak ko.
”Ayos lang iyan, apo. Umiyak ka lang hangga sa maging magaan ang pakiramdam mo, mapapagod at masasaktan ka talaga. Pero huwag kang susuko, huwag kang mapapagod. Marami kaming sumusuporta sayo...” tumango ako ng ilang beses sa sinabi ni lola, niyakap ako nito at hinaplos ang aking likuran upang pakalmahin.
”Magiging maayos rin ang lahat, bata ka pa apo, marami pang ibang pagkakataon para makuha mo ang nais mo...”
************
to be continued....