XOCHITL'S P.O.V: NAKATANAW LAMANG ako sa malawak na hacienda ng Xaria habang nakatayo ako sa balkonahe at sinasamyo ang malamig at sariwang hangin. Alas tres na ng hapon at hindi ako lumalabas ng aking kwarto. Hindi alintana ang maalinsangang init ng panahon dahil malamig naman ang simoy ng hangin na bumabalot sa loob ng hacienda. Rinig ko pa ang masayang tawanan ng mga kasambahay at ilang tauhan sa ibaba ngunit hindi ko alam kung ano ang kanilang pinagkakaabalahan hanggang sa matanaw ko ang isang truck na may logo ng gatas na galing sa Espanya at hindi ko maiwasang makagat ang aking labi nang makita si Tanod bilang driver ng nasabing truck. Hindi ako umalis sa aking kinatatayuan at pinagmasdan ko lamang ang pagpasok ng truck sa loob ng hacienda at tama nga ako dahil bumaba si Tanod mu

