DI KO alam kung ano ang gagawin, galit na galit ako to the point na gusto kong siyang saktan o sabunutan. Pero pinipigilan ko ang aking sarili, dahil kahit na may alitan kami, kung meron man ay kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Kung maaari ay walang gulo na magaganap sa amin. Nakaupo ako sa may balsa dito sa floating cottage. Ibinaba ko ang paa ko sa may dagat. May upo at di ko siya nilingon. "Kaya pa ba?" tanong nito sa akin. Nakatingin lang ako sa dagat. Tumawa ako. "Kaya pa, hangga't di niya ako sinasaktan pisikal ay walang masasaktan sa aming dalawa." "Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?" tanong nito. Nilingon ko siya. "Ano ka ba Jen, di ko kayang gawin iyon kay Ivy, unless kung sagad na sagad na talaga ako. Kaibigan pa rin ang turing ko kay Ivy," sabi ko sa kanya. "Bilib

