Chapter 47 Samantha "Ni hindi ko malaman kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang mga 'yan." dinig kong sabi ni Papa habang papasok ako ng kumedor para mag-almusal. "Baka naman may pumuprotekta sa kanila?" sagot ni Nanay habang paupo ako. "Iyon na nga rin ang iniisip ko. Pagkakahuli kasi ng mga kapulisan natin may susulpot na namang panibagong balwarte at ang nakakairita mga tikom naman ang mga bibig kapag tinatanong iyong mga nasakote. Walang mapiga sa kanila kung sino ba ang nasa likod ng lahat?" naiiling na tugon naman ni Papa saka humigop ng kape. "Mukhang seryoso po ang usapan, ah? Tungkol po ba saan 'yan?" singit ko habang sumasandok ng pagkain. "Mga ilegal na pasugalan biglang nagkalat sa bayan natin. Naging talamak na rin ang bentahan ng droga. Naiistress tuloy ang Papa mo." s

