Chapter 10 Gian Lee "Gian Lee! Marunong na ko! Look, oh!" nakangiting sigaw ni Samantha sa akin habang naggagatas siya ng baka. Kasama niya si JC at Mang Igme na nagtuturo sa mga ito kung paano gawin iyon. As usual nandito na naman siya. Palagi naman, eh. Daily routine na yata niya ang bwisitin ako sa araw-araw. Kahit na ano'ng pagtataboy ang gawin ko sa kanya ako lang ang napapagod. Ang kulit kasi. Sarap ihagis! "Eh, ano ngayon?" singasing ko at umupo sa isang puno patalikod sa gawi nila habang bitbit ang laptop ko. May inaasikaso ako para sa bubuksan kong business na milk plantation na itatayo dito. Bagong line ng business na papasukin ng pamilya namin. Kukuha pa ako ng business permit kapag sigurado na iyon. Mabuti na lang maganda ang atmosphere ko. Iyon lang ang kagandahan dito

