Chapter 23 Samantha "Galit ka ba kasi hinalikan kita?" tanong ni Gian Lee habang magkatabi kaming nakaupo sa batuhan ng batis at nagpapatuyo ng katawan. Pakiramdam ko iyon na yata ang pinakaawkward na tanong para sa akin. Hindi ako nakapagsalita dahil naumid na naman ang dila ko at hindi ko rin alam kung paano ko aaminin sa kanya na nagustuhan ko naman talaga ang halik niya! Ipokrita na lang ako kung itatanggi ko. "Anyway I won't say sorry for that 'cause it's intentional. Ang panget naman sigurong pakinggan kung sasabihin kong sorry sinasadya kong halikan kita sa uulitin ulit, ah?" nakangising sabi pa niya kaya naman nahampas ko siya. "T-Totoo ba ‘yong sinabi mo na-" "Gusto kita?" putol niya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya at napatitig na lang sa agos ng tubig na lumalagpak mul

