Chapter 15 "Huwag mo nga akong sundan! Umuwi ka na!" sigaw ko habang tuloy pa rin sa pagtakbo. Nakaramdam ako ng takot nang makita kong may liwanag na gumuhit sa langit. Kidlat! Napatigil ako sa pagtakbo at nag-aalangan kung babalik ba ako kay Gian Lee o mas tatakbo palayo. Napansin ko rin na dumilim ang kalangitan palatandaan na uulan. "Halika na! Umuwi na tayo! Mukhang uulan. Kumikidlat pa!" natauhan ako nang may humatak sa braso ko. Naabutan na pala niya ko. Malamang sa tangkad ba naman at haba ng anaconda este biyas niya hindi imposibleng naabutan niya kaagad ako. Hindi ko alam kung sinabi niya iyon dahil alam niyang takot ako sa kidlat o napansin lang niya iyon? "Ayoko nga sabi sa'yo!" piglas ko sa hawak ni anaconda at pinalis ang kamay niya. Hanggang ngayon naiinis pa rin tala

