TEASER

464 Words
TEASER “Elle, hindi ka pa ba uuwi masama pa naman ang panahon ngayon. Kanina pa nag-announce ang buong departamento. Kailangan bago mag ala-singko nakalabas na tayo ng building.” “Bakit daw?” “Dahil nag-landfall na ang super typhoon. Kaya halika na at dapat na tayong makauwi ng bahay bago pa tayo ma-stranded sa daan gawa ng baha. Ang balita ay mataas na ang tubig sa kamaynilaan. Sa Fairview pa naman ang bahay nyo at lagi doon baha.” “Mauna ka ng umuwi, Mary Ann. M-Meron pa akong tinatapos na report.” “Sigurado ka ba, Elle?” “Yeah, ingat ka at dalhin mo na itong payong ko dahil masyadong malakas ang ulan.” “Paano ka?” “Ahm… susunduin raw ako ni Analyn.” Ikaw ang bahala, sige maiwan na kita. Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na ng bahay nyo.” “Oo, sige na at baka mas lalong lumakas ang buhos ng ulan.” Taboy niya sa kaibigan. Lumipas ang oras ng hindi niya namalayan. Pagtingin sa orasan ay past six in the evening. Tumayo at hinagilap ang bag pagkatapos ay lumabas na ng opisina. Wala siyang nakita kahit isang empleyado. Kaya’t binilisan na niya ang lakad. Pagdating sa elevator ay agad na sumakay at mula sa 15th floor ay wala man lamang sumakay. Nasa 5th floor na siya ng biglang huminto ang elevator at may sumakay. Hindi niya ugali ang tumingin sa mukha ng tao. Nanatili lang siyang nakayuko habang panay sulyap sa relong pambisig. Ngunit kinabahan siya ng makita ang sapatos ng tao sa gilid niya. Baka ito ang lalaking balita sa buong building na hindi normal? Delikado din daw ng taong ito dahil mapanganib. Sobrang haba ng sapatos nito at hindi napigilan ay dahan dahan tumaas ang kanyang mga mata. Ngunit ang takot ay unti-unting nawala. Matipuno ang hita nito bakat sa suot nitong malambot na telang pants. Gusto na niyang magbaling ng mukha sa kabilang direksyon ngunit tila hinihila ang mga mata na ipagpatuloy ang pagmamasid sa lalaki. Nakasuot ito ng mamahaling relo at ang braso ay may pinong balahibo ngunit maugat. Umakyat pa ang mata niya at hindi niya alam kung kumukurap pa ba siya dahil sa nakikita. O baka tumutulo na ang lamay niya kaya mabilis na sinalat ang gilid ng labi. “Eherm, bakit ganyan kang makatingin, woman?” anito na ikinahindik niya. At sa halip na alisin ang mga mata sa lalaki ay mas tumaas pa ang mukha. Hanggang nakatingala na siya sa pinaka matangkad na lalaking nakita niya. Hanggang dibdib lang yata siya niya. Samantalang matangkad na siya kumpara sa mga kaibigan niya. “Hey! I'm asking you, woman!” “Oh! Sorry, ang gwapo mo kasi…. ABANGAN SA; THE GIFTED KING OF CHESS: HARVEY COLLINS MONTALVAN.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD