Mula sa Arena of Champions makikita sa gitna nito ang nahihirapang humingang Champion of Prisoner. Currently ang whip ng Valkyrie Champion ay nakatali sa leeg nito at unti-unti nitong hinihigpitan ang pagkakatali. "Bye." Sabi ng Valkyrie Champion na babae at tuloyan nitong hinila ng malakas ang kanyang whip. *c***k!* Sa isang iglap ang ulo ng Champions of Prisoner ay humiwalay sa katawan nito at gumulong sa arena. Dahil dito makikita ang tuwa sa lahat ng mga nanunuod. Tumalikod ang babaeng Valkyrie Champion at umalis sa arena habang isang grupo naman ng mga Champion Prisoners ang agad na lininis ang buong lugar. Ilang minuto pa agad na walang makikitang bakas ng paglalaban sa lugar. Sa oras na iyon dumating na ang hinihintay ng lahat. Ang araw kong saan pwedeng makuha ng ka

