Great Kraken Cutlass, ito ang pangalan ng nilalang na nagbabantay sa entrance ng lugar. Isa itong halimaw sa laki at lakas, bawat isa sa eight na kalagamay nito ay may cutlass like sword na hindi mo dapat maliitin. Ganon paman isa lamang itong Virtual level, late tier at wala itong nagawa sa pinagtulong-tulong na lakas ng tatlong Summoned ni Sol. Sa oras na iyon agad na bumagsak ang Great Kraken Cutlass. Binuksan naman ni Drake ang entrance sa likuran nito habang sinummon ni Sol si Necro para buhayin ang Great Kraken Cutlass at mabantayan ang entrance ng lugar. Once na magawa itong lahat agad na pumasok si Sol sa loob. Dito ay sumalubong sa kanyang harapan ang isang bagong mundo. 'Isang private plane?' Tanong ni Sol sa kanyang sarili dahil ang lugar na kanyang kinalalagyan ay i

