"Prepare the Wall!" Sigaw ng mga God General na nasa itaas ng pader ng God Race Kingdom. Triple ang laki at haba ng pader na ito compared sa ibang mga cities at kakaiba din ito dahil gawa sa golden like crystals ang pader na ito. Masasabing isa sa pinakamatigas na bagay sa mundong ito ang materyal na ginamit sa pader. Mula sa itaas ng pader ay makikita ang mga God Soldiers. Trabaho nila ang protektahan ang pader. Bawat isa sa mga ito ay merong gintong mga armos at malalaking heavy shields. Right now alam nilang ang makakalaban nila ay Undead Army at isa lamang ang paraan para malabanan ang isang hukbo ng mga Undeads at ito ay ang harapan. Gayunpaman nasa kanila ang advantage dahil nasa taas sila ng pader at kita nila ang nangyayari sa ibaba. Ngunit meron din silang isang kahi

