Nakatingin ang lahat sa stage, hinihintay kung anong klaseng Mythical Beast ang nakalagay sa special container. Ito palamang ang unang pagkakataon na merong Mythical Beast ang nagawang mahuli. This is the final item for today at ito ang highlight ng buong auction na ito. "Let me introduce sa inyong lahat." Sabi ni Carla at mabilis niyang hinila ang pulang tela. Sa oras na iyon bumungad sa lahat ang isang kulay asul na isda. Dumbfounded... Ito ang nasa mukha ng lahat dahil hindi nila lubos maisip na ang Mythical Beast na kanilang ini-eexpect ay isang isda! "Segurado ba kayo sa nilalang na iyan!" Sigaw ng isa sa mga nasa lugar. "Niloloko niyo lang ata kami!" "Alisin niyo yan! Ipakita niyo ang pinunta namin!" "This is bullshit!" Halos sumigaw na ang iba sa mga nasa lugar, m

