"You are here." Nakangiting sabi ni Luna once na lumitaw si Sol sa lugar. Sa oras na iyon ay makikita ang ngiti sa labi ni Sol habang ramdam ng bawat isa sa kanilang dalawa ang kakaibang koneksyon. Koneksyon na ngayon nalang muli nilang naramdaman. "I'm back." Nakangiti namang sabi ni Sol habang unti-unting lumapit sa grupo. "I think we will go back first." Sabi ni Angela habang hila-hila naman si Mizuki at agad na umalis sa lugar. Napansin naman ito ng iba pa at katulad nila Angela ay umalis din sa lugar hanggang sa maiwan nalamang ay si Sol at Luna. Napailing lamang si Sol ng makita ang ginawang ito ng kanyang grupo habang napatawa naman si Luna. "Sumunod ka sakin may papakita ako." Sabi ni Sol at agad silang umalis sa lugar. Nagtungo sila sa isang parte ng lord castle, a

