CHAPTER 21 CATHY's POV: NAKAKATABA ng puso. Iyan ang siyang naramdaman ko nang makasama ko si Ale dito sa kanyang kubo. Nakakahiya man ang una naming pagtatagpo ay napalitan naman ito ng saya dahil tila inalis nito ang pangungulila ko pagdating sa aking ina. She's sweet, caring and lovable old woman. Kaya nakakalungkot lang kung bakit naranasan niya ang saktan at lokohin ng isang lalaki. Hindi ko nga maiwasan na maawa dahil sa sitwasyon niya ngayon. Akala ko pa naman ako na yung pinaka-pagod na tao rito sa mundo, pero meron pa pala na mas pagod pa kaysa sa akin. Nag-iisa lang siya at tanging aso lang ang kasama niya. But look at her, she's happy and contented in her life kahit hindi man gano'n kaganda ang kanyang buhay. "Gwapo ng boyfriend mo ineng... Nakaka-trauma pa naman ang mag

