CHAPTER 29 CATHY's POV: NAGISING ako na wala na si Sir Drake sa aking tabi. Nagtataka naman ako sapagkat magkatabi kaming natulog at ngayong namulat ang mata ko ay hindi ko na naman siya mahagilap. I was expecting na siya itong mahuhuli ng gising. Pero nagkamali ako. Dahil nauna siyang magising na animo'y hindi na nito nagawang istorbohin ang tulog ko. Ni hindi niya ako nagawang yugyugin at hinayaan niya lamang ako na matulog. Kaya naman bumangon na rin ako upang hanapin si sir Drake. Sa pagkakaalam ko kasi ay ngayon na kami babalik ng Manila. Isang araw lang naman kasi ang pag-stay namin dito sa hotel. Sadyang bumawi lang kami ng pahinga. Pero sa isang araw na iyon ay oras-oras kaming nag-aaway. Nagkaayos lang kami when he saved me from the bad guys. Kaya kahit papaano ay labis ang pa

