CHAPTER 68 ARAYANA's POV: "Parang namumutla ka yata Aryana? May ginawa ba sa'yo ang babaeng 'yon? Kinulit ka na naman ba niya?" tanong sa akin ni Drake nang mabili ko ang mga gamot na kailangan inumin ng binata ngayong araw. Galing ako sa labas dahil nakaramdam na rin ako ng gutom kaya sinabay ko na ang pagbibili ng pagkain, bukod sa gamot na iinumin niya. Maraming pagkain ang binili ko, hindi lang para sa akin, kundi para na rin kay Drake. Dito na kasi ako matutulog dahil ayokong umalis sa tabi ng lalaki. Mahirap na, maraming nakabantay na mga taong ayaw sa akin at gusto nilang ibalik ang ala-ala ng binata, kaya pinipilit nilang pagsabihan si Drake.. Hindi ko naman pwedeng hayaan na mangyari 'yon dahil ako ang magiging kawawa sa huli. Masaya pa naman ako na nagkaroon ng amnesia ang

