CONTINUATION OF CHAPTER 70 BUMALIK SI CATHY SA MANSION CATHY's POV: "Sana nga Cathy. Sana nga ay hindi magwagi ang kasamaan. Ayoko na mapunta ang anak ko sa isang demonyo at maruming babae na 'yon. Hindi ko matatanggap na maging kapamilya si Aryana. So please, do your best hija. Alam kong makakaya mo na kunin muli ang atensyon ng anak ko. Alam ko na makakaya mo siyang tulungan na maibalik ang ala-ala niya," pakikiusap muli ng Ginang sa akin. Naging seryoso ang aming usapan nang dumating siya at tuwang-tuwa ang kanyang damdamin nang bumungad mismo ako sa paningin niya. Ang buong akala niya yata ay hindi ko tatanggapin ang alok nito. Pero sino ba naman ako para tumanggi? Base pa lang sa mga salita ng nanay ni Drake ay gustong-gusto niya ako para sa anak niya. Ni hindi man lang ako nakar

