CHAPTER 15 CATHY's POV: "ARGHHH! NAKAKAHIYA!" sigaw ko naman habang gumulong-gulong ako sa mahabang kama ni Doc. Aiden. Yung tipong feel na feel ko na sana na sexy ako at kaakit-akit sa paningin niya, pero lintik, panaginip lang pala ang lahat! And worst, ako pa yung nagmukhang may gusto sa kanya! Kakainis ha?! Lagi na lang talaga pinapainit ni Sir Drake ang dugo ko! Siya yata ang magiging dahilan nang pagka-ubos ng regla ko ngayong araw! Kaya sa halip na magpahinga ako ay bumangon na lamang ako. Nawalan na rin kasi ako ng ganang matulog. Pinili ko na lang na lumabas ng kwarto para sana magpahangin para mabawasan ang init ng aking ulo. Marami kasing tanim na mga puno rito kaya sariwang-sariwa ang hangin. Isabay mo pa na maganda din ang tanawin kaya alam kong malilimutan ko kaag

