!SPG ALERT AGAIN! Chapter 34 “HI.” Isang matangkad at morenong lalaki ang sumulpot mula sa likuran ni Indira nang ihatid niya sa kusina ng bahay nina Mang Reuben ang dala nilang panghimagas na hinanda ni Tita Cynthia para sa hapunang iyon. Nakalabas na sa ospital nang umagang iyon si Mang Reuben at sumadya ang anak nitong si Lito sa bahay ni Tita Cynthia kanina at sinabing iniimbitahan sila ng mag-asawang Reuben at Pilar na sa bahay ng mga ito maghapunan. Si Tita Cynthia lang ang kasama ni Indira na pumunta sa bahay nina Mang Reuben dahil si Hendrikus ay tanghali pa noong umalis. Ang dahilan nito ay may iche-check lang itong property sa town proper ng Victoria at interesado ito na bilhin iyon. “Ako pala si Luigi. Panganay ni Amang Reuben. Ikaw pala ‘yong nagligtas sa Amang.” Maga

