Chapter Nine Nagising ako sa na nasa isang silid na. Hindi pamilyar ang lugar. Agad akong bumangon kahit may kaunting hilo pa akong naramdaman. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakasara iyon at kahit anong gawin kong hila ay hindi bumubukas. "Tao po? Tao po!" kumatok ako. Masakit na ang kamay ko sa pagkatok pero wala pa ring nagbukas ng pinto. Tumakbo ako sa balkonahe. Agad tinignan kung may mararaanan ako para makababa. Tiyak kong nasa poder ako ng kalaban ng aming pangkat. Nararamdaman ko ang panganib. Masyadong mataas kung tatalon ako. Huwag na nga. Hihintayin ko na lang na may magbukas ng pinto. Baka mabalian pa ako. Kawawa naman ako. Bumalik ako sa silid. "Kahanga-hanga ang silid na ito. Ngayon lang ako nakakita ng ganito." Pero nasaan ako? Kaninong tahanan ito? Lumakad

