Chapter Eleven "Mukha ba akong nakikipaglokohan sa 'yo, Manika Servantino?" hiyaw ng lalaki na para bang nasa dulo ako ng mesa kahit nasa pinakamalapit na upuan lang ako. Pinalo ko ang braso nito. "Ang lapit-lapit mo lang tapos sumisigaw ka pa? Pwede mo naman akong kausapin ng kalmado ka lang," reklamo ko rito. "Kalmado? Paano akong kakalma kung napakaraming mamamayan ng San Gabriel ang namatay at nasa hospital pa iyong iba? Sa tingin mo kakalma ako? Nasaan ang pamilya mo? Nasaan ang mga rebelde?" gigil na tanong nito. "Nagugutom na ako, Gov Kal," mahinang ani ko. "Nahihilo na ako sa gutom." "Damn it! Ganito ka ba kamangmang? Wala ka rin bang emotional intelligence?" tinitigan ko siya. "Ano iyong emotional intelligence?" napakagatlabi si Gov. Claude sa tanong ko. Parang nagtitim

