Chapter 1

1383 Words
Late nakong nakagising ngayon dahil sa kagagawan lang naman ni Mark. Pano ba kse nagpapasama manood ng paborito nyang pelikula na palabas na tv twing gabi . Imagine 11 mag nagsisimula 12 na natapos Ang arte kase may sarili naman silang tv sa bahay nila , nakikinood pa dito . Mas worst pa ay dinamay pa ako . NASA kabilang kanto yung sa kanila , umabot pa talaga dito para makinood. Sinong makakatangi , e alangan namang iwan ko sa salas tas ako matutulog , bisita ko padin naman sya . Baka pagalitan pa ako nila mama . Nasa boracay kase sila tita at mga kapatid nya , sya nag paiwan . Ayaw sumamama kj ehh . Kung di ko lang talaga kaibigan ang lalaking yun nakuuu! Dali Dali akong nagprepare ng sarili ko dahil malelate nako , kulang pa yung tulog ko and expected na magmumukha akong zombie grrr. Pagkatapos ko ay agad akong bumaba at pumuntang kusina . Inayos ko yung uniporme ko bago umupo , mahirap na ayokong mamalantsa ulet . At oo ako yung namamalantsa ng uniporme ko , Ayoko nang makiasa kay mama nohh marami na syang ginagawa sa bahay . Kahit man lang sa ganoon , nakakabawas sa mga gawain ni mama total ako din naman ang gagamit . Hindi naman din kami mayaman kaya walang maids na mauutusan , may sarili naman kaseng pweding gumawa . " anong oras na kayo natulog kagabi" tanong ni mama habang kumukuha ng tubig sa reff Kumuha na ako ng kanin at nilagay sa plato ko " midnight na ma " ani ko , kumuha na din ako ng ulam at nagsimulang kumain " kumain ka ng marami tili " sabi ni mama "Ma ! Gagawin mo bakong baboy?" Tanong ko kay mama Kumakain naman ako , d ako nagpapalipas ng kain kse ayokong magka ulcer . Ayokong magkasakit sa future , mas maganda yung inaalagaan yung kalusugan kesa magsisi sa huli . Si mama lang talaga parang praning , aba ayokong kumain ng madami kse ambigat ng katawan ko pag sobrang nabubusog ako , natatamad ako at iniiwasan ko yun . At kahit naman kumain ako ng marami hindi nako tataba . Pagkatapos kong kumain nagpaalam nako kila mama at sumakay ng jeep papuntang L.U "Manong sa Luna lang po " ani ko kay manong driver ******* Andito nako sa labas ng LU ipinakita ko muna yung student id ko sa guard para mka pasok.Hindi kase makakapasok kung d mo dalayung i d mo kaya yung i d ko nasa bag ko lang lagi . Wlang excuse talaga , pag wla kang maipakitang i.d hindi ka talaga makakapasok . Prohibited din ang pag bisita ng ibang campus dito. Naglalakad ako papunta sa room namin , pag ka dating ko agad din akong umupo sa upuan ko . Kung may bumabati sakin binabati ko din , kung wla ay wla din akong pake. May sariling mundo din naman mga kaklase ko tulad ko , wla akong pake kung anong ginagawa o gagawin nila as long as d nila ako idadamay . Ako yung tipong parang wlang pake sa mundo , sa paligid , pero hindi ako nagpapaapi. Ayokong maapi. Just don't messed up with me and we'll be fine ganon lang . Hindi ako tulad ng kadalasang napapanood sa mga teleserye na kahit sinasabunotan na , ginagawan ng kung ano anong masama nananahimik padin. Ayoko ng ginaganon ako , kse hindi ako nangingialam ng buhay ng iba buhay nila yun at labas na ako. Wag lang talaga nilang magulo-gulo ako . Maya - maya pa ay may dumating na gaga , nginitian nya ako at tumabi sa upuan ko . " Good morning tili , ano ngang first subject natin ngayon?" Tanong nya sakin Aba 2nd quarter na hindi pa nya namememorize yung mga subjects namin? Mag cellphone kapa! Yan kse cellphone nalang inaatupag nang babaeng to "Philosophy " tipid kong sagot sa kanya Pansin nya ata na wla ako sa mood kya nagsalita sya "anyare sayo?" Tanong nya " parang puyat na puyat ka ahh" dagdag pa nya Isa pa to mausisa " Nanonood ng wlang kwentang palabas sa tv" ani ko at sumandal ako sa upuan ko " Bago yan, d ka naman mahilig sa mga pinapalabas sa tv . hulaan ko niyaya ka nang magaling mong best friend " aniya Umirap ako at sinagot sya " yeahh , ambigat ng ulo ko sav !" Reklamo ko sa kanya Tinawanan nya lang ako at umiling "walang pumipilit sayo tili, wag kang magrereklamo sakin at bakit ba kase nagpapauto ka dun . Siguro nagkakagusto kana sa kanya ahh, aba tili masama yan sayo. Itigil mo yan!" sermon nya Goddddd ang kitid ng utak nitong babaeng to , d porget sinasamahan may gusto na agad . Best friend ko kaya yun kahit minsan ang gulo non. Anong gusto nyang gawin ko ? Pag nasa bahay iwan ko , hayaan ko? D naman grabe kasama ugali ko , kawawa yun pagnagkataon. Ayoko na talagang magkwento dito , kung ano anong pinag-iiisip . Baka sa kakaikot nang utak nya kung san san na mapunta . " stop dreaming sav! Hindi ko sya gusto okay? Syempre mahal ko yun best friend ko e hayysttt baka Gutom ka lang " Baka ikaw kako may crush dun haha "Baka lang naman kase tili , at hindi ako gutom tsk nag almusal ako sa bahay " aniya , humarap sya sakin at sumimangot " so sya lang love mo ? Nagtatampo nako thellana ." dagdag pa nya Hayyy nakooo nag dadrama na naman , sinusumpong na naman . apaka matampohin mo mahal " hindi tayo mag best friend sav! Alam mo naman bakit ayokong magka best friend ng babae diba ? I already told you my reasons. Mahal kaya kita kaya wag kna magtampo , d bagay sayo hahah " ani ko I don't want to have a girl best friend. Why? Dahil sabi nga nila your best friend is your best enemy. Hindi naman talaga ako naniniwala jan na quote na yan . pero kase nung bata ako i witnessed how mom's best friend betrayed her , I know how hard it is for mama kase Girl best friend nya mismo nagtraydor sa kanya . Nakita ko at saksi ako kung pano nahirapan si mama sa lahat ng nangyayare , minsan nga nakikita ko si mama na umiiyak and it makes me sad . As a daughter nasasaktan din ako pag umiiyak si mama . Kya simula non i promised my self not to have a girl best friend. Boy best friend lang and i have one, He is Marcus Moreno . Buti at dumating na yung teacher namin sa first subject para d na magtatatanong tong banana na to. ******** Nasa canteen kami ngayon ni banana , nag lulunch . "Asan ba yung best friend mo tili ?" She asked out of nowhere Bat mo hinanap ? Sumubo ulit ako at sinagot sya " don't know , bat mo hinanap ?" Bat nya ba kase hinanap , susulpot lang naman yun kung gusto nya tsaka sanay nako dyan sa ugali nyang yan Minsan nga nagtataka ako kung best friend ko pa ba yung gagong yun o ano . Nakakatampo kaya , d man lang nya ako dinalaw sa room kanina . Tas kung kelan gusto nya magpapasama kung saansaan , guguluhin ako tsk . "Just asking " aniya Tinuloy na namin ang aming lunch nang may narinig kaming nag uusap sa likoran namin. "Alam mo ba girl , hinatid kanina ni marcus si crizelle sa room nya " bulong nung isa ,Pero narinig padin namin May pabulong bulog pa amp , e naririnig naman namin . Mga bago kaming memebro ng Marites club e , ngayon lang din " how sweet , baka nililigawan na sya ni marcus " aniya ni girl. 2 Magampanan nga pagiging marites , sinong marcus ba? Na cucurious ako hmmmppp. Marcus din kase yung best friend ko but i prefer calling him mark para madali . Pero baka hindi sya yung tinutukoy nila , maraming marcus dito sa LU iba iba din spelling pero iisa pagka pronounce. " Wait , what's his full name nga ? " tanong ni girl no.2 " Marcus Moreno " sagot ni no. 1
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD