April Lacsamana Peterson WARNING! Some scenes are not suitable for readers below 18. "Wala nang bawian 'yan ha?" paniniyak pa niya sabay baba ng mukha niya sa akin upang mahalikan ako. Konting-konti na lang ay maaabot niya na ang labi ko ngunit nakita ko sa aking peripheral view na may papasok na tao kaya nataranta ako bigla kung kaya't malakas kong naitulak ang swivel chair ng asawa ko ngunit hindi ko inasahang babagsak siya sa sahig. "Ouch!" daing niya sabay himas sa kanyang balakang, habang dahan-dahang tumayo mula sa swivel chair. Agad naman akong tumayo sa silyang inuupuan ko at nilapitan siya. "Mr. Peterson, ano po nangyari?" Agad naman ako napalingon sa nag tanong, banaag sa pagmumukha ng bababeng trabahante ang pag-aalala nang makita niyang dumadaing ang asawa ko. "I fell, s

