Jacob Luis Peterson
"Jacob Luis, I am giving an ultimatum you need to get married as soon as possible!" bungad sa akin ni Mommy habang nag v-video call kami sa laptop ko.
"Relax, Mom malapit na," kalmadong tugon ko sa kanya.
"Palagi na lang ganyan ang sinasagot mo sa akin, JL pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring pinapakilala sa amin ng Daddy mo," tugon naman ni Mom, na halatang nababagot na sa lagi kong sinasagot sa kanya.
My parents wants me to get married as soon as possible in able to get my inheritance from my father. Ewan ko ba at bakit ko pa talaga kailangan magpakasal para lang makuha ang mana ko mula sa aking ama. But, since I have no choice I have to follow their command. Hindi rin naman kasi biro ang ipapamana sa akin ni Daddy at gusto niyang gamitin ko iyon sa tama at sa mapapakinabangan. Kung kaya't isa sa mga requirements nila ay ang pagpapakasal. Because for them family is everything.
"Son, choose the right one hindi 'yong mga pipitsuging babae lang diyan sa tabi-tabi. Remember our family is a high profile at ayokong madamay tayo sa gulo ng mga mahihirap na tao," saad naman ni Dad, at parang banta iyon sa kin.
"Tama ang Daddy mo, anak mahirap at baka hut-hutan ka lang ng pera niyan," dutong naman ni Mom.
"I got this Mom and Dad, don't worry malapit ko na siyang ipakilala sa inyo," tugon ko naman agad sa kanilang dalawa.
"Really? Sino siya? Matino ba iyan?" sunod-sunod na mga tanong agad sa akin ni Mommy, na halatang excited na excited.
"She's a nurse and April is her name, at hindi siya pipitsuging babae lang, she's special." Yes! Si April ang ipapakilala ko sa kanila bilang magiging asawa ko at wala akong pakialam kung may boyfriend man si April.
Just like what I said ang kay Jacob Luis ay kay Jacob Luis lang. Kung kailangan kong ipadampot ang nobyo niya sa kung sino mang poncho pilatu ay gagawin ko.
"Good to hear that, Jacob," wika ni Dad. After my father's response we already ended our video call.
Pinatay ko na agad ang laptop ko at saka umupo sa aking kama, I guess magpapahinga na lang siguro ako ngayon buong araw dahil day off ko naman pero sisiguraduhin kong pagbalik ko sa lunes ay makukuha ko na si April at magiging asawa ko na siya. Dahil wala na akong ibang nakikita pang pakakasalan kundi siya lang at kukunin ko siya sa kahit anong paraan. SHE WILL BE MINE!
***
April Lacsamana
Halos liparin ko na ang daan papasok sa loob ng PMH, ten minutes na lang kasi ay ma la-late na ako. Hindi kasi ako nakagising sa tamang oras dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kakaisip sa nangyari sa park kahapon. Hapong-hapo ako nang marating ko ang locker room, ang aga-aga pero dugyot na agad ako. Dali-dali kong pinunasan ang noo at leeg ko gamit ang towel na kinuha ko sa aking bag, dahil basang-basa na ito ng pawis. At inayos ko lang sandali ang sarilli ko saka tuluyang lumabas ng locker room at tinungo ang station kung saan ako nakatuka.
"Bakla, saan ka galing, sa motel?" tanong agad sa akin ni Hero, at kitang-kita sa pagmumukha niya ang pagkagulat.
"Sira! Hindi alam mo namang ten minutes na lang at ma la-late na ako," tugon ko naman agad sa kanya.
"Ah okay, oh siya ikaw na muna rito ha? Mag r-rounds lang akes," malanding tugon naman agad nito sa akin, at saka na ito umalis ng station.
Ilang beses pa muna akong bumuntong hininga bago sinimulan ang aking trabaho. Ngunit nang simulan ko na ang pag p-print ng mga recita ay naliligaw na naman ang utak ko dahil naisip ko na naman ang nangyari kahapon sa park. Sana lang talaga ay makausap ko mamaya si Sir JL para makapagpaliwanag ako sa kanya ayoko lang naman kasing isipin niyang unfair at sinungaling akong tao.
KINAHAPUNAN, kasama ko na ulit dito si Hero sa station dahil tapos na itong mag rounds kaya kinuha ko na iyong pagkakataon upang mag tanong sa kanya tungkol kay Sir JL, close kasi Hero at ang sekretary ni Sir JL.
"Hero, pumasok ba ngayon si Sir JL?" tanong ko sa kanya, habang nagsusulat ito.
"Day off niya ngayon bakla kasi linggo," tugon naman agad niya, at agad namang bumagsak ang balikat ko sa sinagot nito.
"Bakit sana?" tanong pa niya.
"Ah gusto ko lang kasi sana siyang kausapin, gusto ko kasi sanang mangutang na lang sa kanya," kunwaring tugon sa kanya, kapag nalaman kasi nito ang totoong pakay ko ay tiyak kantyaw aabutin ko sa kanya at paniguradong hinding-hindi niya ako tatantanan.
"Ano, sigurado ka ba? April pwede kitang pautangin pa kung gusto mo," malungkot nitong tugon, at gustong-gusto ko ng matawa sa kanya ngunit pinipigilan ko lang.
"Huwag na, nakakahiya na sa'yo si Hero, tsaka kung kay Sir JL, ako hihiram ay ayos lang kahit pagtrabahuan ko pa iyon buong buhay ko." Totoong nahihiya na ako kay Hero dahil andami na nitong binigay sa aking pera para lang matulungan ako sa aking pag-iipon at ayoko namang abusuhin 'yon.
"Sigurado ka ba? Baka tumandang dalaga ka na lang talaga niyan katrabaho mo rito," pag-aalalang tanong pa ulit niya.
"Ayos lang, kesa naman sa mawalan kami ng tirahan ni Mama," tugon ko naman.
"Sigurado ka ha?" paninigurado pa ulit niya.
"Oo naman," tipid kong tugon agad sa kanya, para matapos na ang usapan namin dahil baka 'pag tumagal pa ay hindi ko na mapigilan ang sarilli ko at matawa na talaga ako.
Pero sana ay lang ay hindi magkatotoo ang mga sinabi ko sa kanya. Pwera lang. Mahirap iyon 'pag nagkataon baka kung ano pang hingin na kaplit si Sir JL sa'kin. I can't imagine! Pero sana lang ay makausap ko na siya sa lunes para maayos na ang problema ko sa kanya baka kapag hindi ko pa siya nakausap sa lunes ay mabaliw na lang ako nito sa kaliwa't-kanang problema ko. Parehong mahalaga sa akin ang bahay at ang trabaho kaya hIndi sila pwedeng mawala, dahil kawawa kami talaga ni Mama nito.