April Lacsamana Peterson Muling niya nang inutusan ang guard na pabalikin na lahat ng mga tao sa loob ng grocery store, at agad namang nagsibalikan ang mga ito upang makapamili na ulit. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa ginawa niya gusto ko tuloy humingi ng tawad sa mga naumsyami naming mga tao, pati na rin sa mga trabahante pati tuloy sila nadamay pa. Muli na kaming bumalik sa pamimili at binis-binilisan ko na ngayon baka kasi humirit na naman siya na kung ano. Mahirap na. Baka palabasin na naman niya ang mga tao. Hirap naman pa lang maging asawa ang isang Jacob Luis Peterson. *** Pagkatapos namin sa grocery ay sunod naman naming tinungo sa department store upang makabili ng mga damit at mga laruan para sa mga bata sa foundation at tulad kanina sa grocery ay ang dami na naman niy

